Chapter 28

642 22 5
                                    

Ilang araw ko nang di nakikita si Knives. San na kaya sya nakatira? Ayos lang kaya sya? Ni hindi sya pumapasok sa school.

Di sya maalis alis sa isip ko. Napakasama ko ba sa kanya at tumagal ng ganito galit nya?

Tinry ko magpunta sa bar at nagbabakasakaling andun sya. Halos lumukso ang puso ko nang makitang andun nga sya.

Umiinom sya that time. Lalapitan ko ba? Kakausapin? Natatakot ako.

Gusto ko lang naman malaman kung maayos ba sya? Tapos nun wala na..

Lumapit ako habang umiinom sya.
Sya lang naman mag isa..

"K..Knives.." napatingin sya sakin.
At muling tumungga ng alak.

"anong ginagawa mo dito?" -Knives. Wala syang emosyon. Mahinahon sya kaya nagkaron ako ng lakas ng loob kausapin sya.

"k..kamusta ka na? San ka nakatira?" -ako

"anong paki mo?" -Knives

"gusto kong malaman kung ayos ka lang ba?"

"gusto mong maging maayos ako.."
Hinarap nya ko at hinawakan mga kamay ko. Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata nya. "bakit di mo ko magawang piliin?"

Ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya!

"Knives patawarin mo ko.. hindi ko naman gustong saktan ka eh"

"ngayon tatanungin kita ulit. Sasama ka ba sakin?" -Knives

Eto yung pinakaayokong tanong nya.

"may bahay ako Aki. Nakuha ko yun kay dad. Magtatrabaho ako. Pangako gagawin ko maayos buhay natin" -Knives

"Knives tama na.. Hindi ko kayang gawin yan.."

"bakit? Wala kang tiwala noh?! Wala ka ding tiwala sakin na kaya ko! Di gaya ni mommy na kayang mabigay ang pangangailangan mo!"

"hindi ganun Knives.. Malaki respeto ko sa mommy mo at ayoko syang saktan"

"so ako na lang pinili mong saktan! Tss. Akala ko iba ka.. Tama nga. Pare parehas lang kayo!!"

Tinungga nya yung huling bote.
At saka tumayo at naglakad palabas.

"Knives!"

Sinundan ko sya dahil baka mapano. Lasing na sya.

"subukan mong sumunod! Masasaktan kita!" -Knives

Sinabi nya yun na sadyang ikinagulat ko.  Pero sinundan ko pa din sya ng di nya nalalaman.

Kung san san na kami nakarating! anong lugar ba to? Parang squater.
Pumasok s Knives sa isang eskenita. Paglabas dun, hindi ko na sya nakita!

Asan na sya! Hindi ko alam ang lugar na to! Paikot ikot ako at wala nang mapuntahan!

Dfq.
Biglang may nagsnatch ng bag ko!

Mga kabataan!!

"snatcher!!" sigaw ko pero walang tumulong sakin dahil wala ring masyadong tao dun. Napakadilim.

Yung pera ko nasa bag ko!
Pano ako makakauwi!?

Nakapa ko yung phone ko sa bulsa ko!

To: Knives
knives puntahan mo ko pls. Hindi ako makauwi. Natatakot ako.

Naupo ako dahil ang sakit sakit na talaga ng paa ko kakalakad. Mukhang wala namang balak balikan ako ni Knives. Pano naman ako makakauwi neto?

Biglang may tatlong lalaking pumalibot sakin!

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon