Knives POV
Kanina pa ko nag aabang dito sa labas ng school sa paglabas nya. Sa unang kanto lang kasi, naghihiwa hiwalay na sila. Dito ako pag lumiko na si Aki..
Di pwedeng puro si Terrence na lang nakakalamang sakin. Hindi pwedeng ginaganun lang nila ako.
Bakit ang tagal tagal. Kainis!
Maya maya. Nakita ko na silang lumabas, kasama si ..
🙄🙄🙄 Terrence
Ano ba tong lalaking to?
Ba't laging aali aligid
Boyfriend? Boyfriend?!
Pangit mo.Pagdating sa unang kanto naghiwa-hiwalay din sila. Narinig kong ihahatid daw sya ni Terrence pero tinanggihan ni Aki.
Tama yan. Ako lang dapat kasabay mo.
Nagtago ako sa may puno at baka makita pa ako ng mga kasama nya. Malapit na sya..
Ano bang sasabihin ko? Anong gagawin ko? Putspa di ko alam pano ko iaapproach eh hanggang sa..
Lumampas na pala sya.
Anak ng!
"hoy!" sigaw ko. Lumingon naman sya at tinignan ako. Nabigla ako. Bakit ako sumigaw?
"h..hoy hindi kita sasabayan! Kakadaan ko lang at nakita kita kaya kita tinawag" sabi ko.
"ah.. Bakit?" si Aki.
"wala. Bawal ba tawagin ka?" sabi ko.
"ok pero di ba lagi kang nakamotor? Bakit di mo gamit?" tanong nya.
napansin nya pala yun? Sabi ko na nga ba eh gusto din ako neto. lahat ng gawin ko alam tss.
"w..wala. gusto ko kasi mag exercise alam mo yung tuhod ko laging sumasakit" sabi ko "kaya simula ngayon maglalakad na ko pauwi hahahaha hahahaha"Tumawa ako pero ngumiti lang sya. Pahiya ako dun ah. Ang OA ko dun kainis.
Pero ramdam ko ayaw nya ko kausap. Parang ilag sya sakin.
Ano ba yan!
Naiilang ba sya sakin?? Dahil siguro kanina nung hinawakan nya ko. Hindi ko naman sadya. Babawi na lang ako."tara samahan mo ko" pag-aaya ko.
"s..saan?" si Aki.
"icecream " sabi ko.
"sige lang.. Uwi agad ako e, di ba may reports ako bukas" pagtanggi nya.
Letseng report yan.
"wala akong paki.." hinawakan ko kamay nya saka ko sya hinatak.
Odiba. Di nakapalag.
-------------
Akiko POV..
Hayss ba't ganito? Bakit kailangan nya ko isama dito?
Andito kami sa park. Walang katao tao dahil weekdays lang. Inabutan nya ko ng chocolate icecream. Fave ko. Nagthank you naman ako tapos tumabi na sya sakin.
Ang awkward. Ayaw nya ko kasama. Ayaw nya ko kausap. Nasabihan pa nya ko na wag ko sya hahawakan pero kung makahatak sakin dito. Gulo ng buhay mo Knives.
Wala naman kami mapag usapan.
Ayoko kasama si Knives eh..
Hindi komportable.Nung naubos ko na icecream.
"uwi na tayo 🙂 " nakangiti kong sabi
"ayoko pa" sabi nya.
"ahmm. Ok lang ba mauna na ko? Kasi m----" hindi ko natapos sasabihin ko dahil nagbago bigla mood nya.
"alam mo napipikon na ko!" galit na sabi nya.
"h..hala.. Bakit? May nasabi ba kong masama"
"bakit ba madaling madali ka umuwi?? Ayaw mo ba kong kasama?!"
"h..hindi naman.. Kasi madami pa ko gagawin"sabi ko. Natatakot ako baka maging monster na naman sya.
"bakit pag kay Terrence ang saya saya mo! Pag sakin ganyan ka. Ano mo ba sya ha?! Ah naalala ko may gusto ka nga pala sa kanya"
Dfq. P..pano nya nalamang gusto ko si Terrence
"h..hindi ah" nahihiyang sabi ko.
"..oh wala pala eh. Bakit lagi kayo magkasama!" nagtataka na ko sa kanya.
"kasi kaibigan ko sya"
"tss. kaibigan? Magkaibigan din naman tayo ah. Bakit pakiramdam ko ayaw mo kong kasama? Alam mo layuan mo si Terrence ah. ayokong makikitang lalapit ka pa dun!"
"ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.
"hindi! Hindi ako ok!" tumayo sya sa harapan ko.
"gusto mo ba ko o hindi?!" tanong nya.
Ano daw??? Hindi ako makapagsalita sa mga sinasabi nya ngayon sakin?
"ano bang type mo ha. Ano ba gusto mo?" si Knives.
"Knives ang weird mo" sabi ko.
"weird talaga ako! Hindi ko nga alam ba't ganito ako eh! Ilang araw na kong ganito sayo Akiko!"
Bat ba sya nagagalit?
"alam mo hindi kita maintindihan! Magagalit ka sakin, gusto mo lumayo ako sayo tapos pag lalayuan ka nagagalit ka pati kay Terrence nagagalit ka. Eh ang bait bait ng tao na yun sakin, kaibigan ko sya kaya malamang masaya ako pag kasama sila..""kaibigan?? O may gusto ka lang talaga sa kanya!! Ganyan ka ba? Ikaw pa yung dumidikit sa lalaki"
Hindi ko na nagustuhan sinasabi nya! Nakakapikon na. Uuwi na lang ako.
"tama na! Kung ayaw mo maniwala edi wag.. uuwi na ko! Kaya mo pala ako hinatak dito para lang insultuhin ako"
Nakita ko ang mukha nyang parang nakonsensya at gusto ako pigilan.
Kinuha ko yung bag ko at agad naglakad palayo sa kanya.
"Aki.. Sorry. Lagi mong namimisinterpret mga sinasabi ko"
Wala ako paki. Nagpatuloy ako sa paglalakad..
"aki plss" pero di ko sya pinapansin.
"gusto kita"
Napahinto ako sa sinabi nya. Nilingon ko sya at seryoso mukha nya sakin.
Anong sinasabi nya??
Unti.. Unti pa syang lumapit.
"gustong gusto kita"
----------------
BINABASA MO ANG
Guitar Potion (Complete)
Romance"hindi kita papatayin sa saksak o sa baril, pero kaya kita patayin sa selos" Akiko Red is a simple college student. Sya yung tipo ng taong di kapansin pansin but she has a secret. Sa boses at gitara nya kaya nyang paibigin ang kahit na sinong lalak...