Chapter 34

650 18 0
                                    

Akiko POV

Maga mata ko kakaiyak kagabi.

Galit sakin si Knives. Sobra!

Bakit masamang tao tingin nya sakin. Hindi ko naman intensyon na magkagusto sya sakin dati ah.

Pagpasok ko sa school. Nakayuko ako kasi nga maga mata ko pero pinagtitinginan ako.

May problema ba sila sakin?

Pagpunta ko sa room,natahimik ang lahat pagbukas ko ng pinto. Nakatingin sila sakin. Parang mga diring diri.

Pagtingin ko sa upuan ko may vandal dun.

Witch!
Demon!

Ari ng lalaki
At kung anu ano pa

May drawing din ng babaeng kumakanta tapos may sungay at buntot

*blok

May bumato sakin ng itlog!

"woowww look guys andito na ang tinatawag na mangkukulam sa school natin.. Yuck! Pano pa may mag eenroll dito pag nalamang may mga kagaya mo! Kailangan mo nang makick out sa school na to!" si Page.

A..Anong sinasabi nya?

Naalala ko yung kagabi. Alam ba nila?
P..Paano? Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko! Nakakahiya.

"a..no bang pinagsasabi mo?" sabi ko

"buking ka na girl, ilang lalaki ba balak mong paibigin sayo.. Me sa demonyo ka pala eh hahaha gita gitara ka pa. Tinatakot mo lang kami lahat dito" tapos nag apiran silang tatlo.

"pano mo nalaman yan?"

"edi ano pa? Sinabi ng kaibigan mo.. Hahaha"

Si Makissa? Hindi nya yun magagawa sakin!

Lumapit sakin si Page at..

*pak!

"ambisyosa!"

Sinampal nya ko. Hinawakan ko yung pisngi ko. Pakiramdam ko ay bumakat ang kamay nya dito!

Aki lumaban ka!
Si Keila

Pinipigilan siya ng mga classmates ko.

"ano bang gusto mo?" sabi ko!

"gusto ko? Eto.."

Bigla akong pinagsasampal at pinagpapalo ni Page. Galit na galit sya sakin!! Sinabayan na din nung dalawa!

"galit ako sayo! Mang aagaw!! Ihateyou! Witch!!!!"

Napayuko ako at cinover ko yung sarili ko kasi pinagtutulungan nila ako!! Umiiyak ako! Tinanggap ko lahat ng sakit! Sabunot! Sampal!!

May ink sa ibabaw ng table ko at sinaboy nila yun sakin!

"ayan tutal may black magic ka!!" umibabaw sakin si Page at pinagsasampal na naman ako!
May tumatadyak din sakin hindi ko alam kung sino!

Pinilit kong tumayo kaya tinulak ko si Page kaya napatihaya sya na lalo nyang kinainis sakin!!

Di umaawat mga classmates ko at natutuwa pa sila sa nakikita nila!

Nagulat ako dahil kinuha ni Summer yung gunting at may ginupit sa buhok ko!!!

Hinawakan ako ng iba pa nilang kaibigan at pumaikot sakin!
Di ako makalaban dahil hawak nila ako! Umiiyak ako dahil di naman ako makakalaban sa kanila.

"kahit kelan naman wala akong ginawang masama sa inyo ah.. Bakit ginaganito nyo ko!" sigaw ko sa kanila.

"kasi ambisyosa ka!" tapos sinabunutan nya ko !

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon