Chapter 20

798 18 3
                                    

Akiko POV

Naupo ako sa fave spot namin.
Di kami masyado nakain sa canteen laging dito sa labas.
Sa ilalim ng puno dito may lamesa.

Kami lang madalas pumwesto dito.
Kaso ngayon ako lang mag isa.
Kasama nila Makissa at Madz mga kamember nila. Tapos si Keila naman di pumasok.

Nakakahiya kasi tuyo ulam ko.
Eh ang sososyal nila.

Feeling ko nga may galit sakin si Manang Emma. Pano galit sya lagi pag binibigay baon ko eh si Mam Terell naman may gusto nun.
Tamo nilutuan akong tuyo sunog basta mga luto nya sakin sunog hmp.

Ok lang kain pa din..

Nyum nyum nyum

Biglang may lalaking naupo sa harap ko.

Si Knives..






Ang gwapo nyaaaaa
Nagpagupit sya. Clean cut. Ang neat nya tingnan. Lalong lumabas tangos ng ilong nya. Kitang kita ko mukha nya.

Di ko na nasubo kinakain ko. Sa sobrang titig ko sa mukha nya.

"oh.. Inlove na inlove ka naman sakin. Baka matunaw ako nyan haha" si Knives.

"hindi noh. Nanibago lang ako sa buhok mo" sabi ko

"nagpapogi talaga ako para sayo"
Napangiti ako sa sinabi nya.

Napakaopen na tao ni Knives. Yung akala mo tahimik lang sya at walang paki pero pag nakasama mo sya. Sinasabi nya lahat ng nararamdaman nya. Di nya iniisip yung mga pride pride.

"anong kinakain mo?" tanong nya.

Agad kong tinago yung pagkain pero nakita pa din nya.

"ano yan sunog?" sabi nya. "kumakain ka ng ganyan?"

"eh kasi.. Niluto to sakin ni Manang Emma. Nakakahiya pag di ko kinain.. Sabihin nya nagluto sya tas ganun lang atsaka wala ako pambiling pagkain noh"

Kinuha nya yung lunchbox ko at tinapon sa basurahan

"uy adik ka.. Bat mo tinapon"

"ayokong pinapakain ka ng sunog. Pagsasabihan ko si Manang"

"uy wag na ayoko baka magalit yun sakin"

Nagtatakbo ako at pinulot yung lunchbox sa basurahan. Pero inagaw nya ulit yun sakin at muling tinapon.

"tara na. Kain tayo sa labas. Gutom na din ako" tyaka nya ko hinatak.

------------------

Alam ko kakain lang kami sa labas e pero roadtrip na naman.
Sakay ng motor nya.
Napaabsent tuloy kami sa next subject.

Haysss ayoko umaabsent nakakakonsensya.

Brroommmm brroommmmm

"san mo gusto pumunta?" sabi nya

"ano??!! Di kita madinig?!" sobrang ingay ng motor

"san mo gusto sabi ko" sigaw nya. Nag isip ako.

"sa zoo!!"





"sa zoo? Haha ok.. tara sa zoo!! Hahahaha" si Knives.

------------------

"alam mo bang first time ko lang makapunta dito?" si Knives. Habang pinapakain namin yung giraffe.

"talaga?? As in?" tanong ko. Ang imposible naman kasi.

"hmm may pic kami kaso baby pa ko nun. Ambata ko pa di ko na maalala"

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon