Chapter 35

668 20 0
                                    

Akiko POV

Maaga pa lang andito na ko sa pintuan ng bahay nya. Naupo ako saglit sakit ng likod ko.

Biglang bumukas yung pinto..

"tadaaannnn" sigaw ko. Dami ko kasing niluto para kay Knives.

"ano yan?"

"niluto ko para sayo 😊😊" sabi ko

Inabot ko yun sa kanya. Pero ..

Tinapon nya..

"ayoko, mamaya ano pa nilagay mo dyan" ba't ganun lahat na lang ng gawin ko feeling nya lagi may dasal o may gayuma.

Sumakay na sya sa motor nya at pinaandar yun.

Pinulot ko yung tinapon nya. Sayang naman to. Bakit kailangan itapon pinaghirapan ko to.

Mukhang mahihirapan talaga ako sa kanya.

----------------

Knives POV

Walang araw na hindi nasa labas si Akiko.

Lagi sya nagbibigay ng pagkain.
Kakainin ko ba? Baka magayuma na naman ako?

Sumilip ako sa gate. Sabi na eh..
May pagkain na naman syang iniwan

Kain ka na pogi

Tss. May pagnote. Nilukot ko yung note at sunod ay pagtapon sa basurahan pati ang pagkaing ginawa nya. Mahirap na, di ako kakain ng gawa nya. Manaya nilagyan nya to ng gayuma gaya ng sinasabi ni Page?

Kinagabihan..

Nakatambay na naman sya. Kababaeng tao ganyan? Tapos mamaya mapagtripan sya kasalanan ko pa!

In-on ko yung tv at nanood.

Tinry kong sumilip kung anong ginagawa nya. Nagbabasa sya.

Ok.

Bumalik ako sa panonood. Maya maya'y parang may narinig akong mga patak sa bubong.

Teka? Umuulan ba?
Lumalakas yung patak ng ulan!

"K..Knives!! Pasilong naman" sigaw nya. Sinilip ko sya sa bintana. Andun sya at basang basa. Tss

"umuwi ka na nga!" kairita na.

Basang basa sya. "kahit yung bag ko na lang pls. Mababasa mga gamit ko." sabi nya.

"bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko at sinara ang bintana

Knives plsss anlameg na dito

Palakas ng palakas yung ulan. Patuloy lang ako sa panonood. Lumalamig na din kaya pinatay ko na ang electric fan. Hindi ko pinapansin kahit anong katok nya.

Maya maya'y parang tumahimik na sya.

Sinilip ko syang muli pero wala na sya dun. Lumabas ako para icheck ko kung andun pa nga sya pero wala na.

Umuwi na ba sya? Ang lakas ng hangin at ulan. Saglit nga lang ako dito sa labas nangangatog na ko sa lamig eh. Sinugod nya yung ulan para makauwi dahil di ko talaga sya tatanggapin sa bahay ko.

--

Kinabukasan..

Wala sya. Pati kinagabihan at sumunod na araw. Anong nangyare dun? Dalawang araw na syang wala?

Hindi talaga sya dadating?

Teka. Ba't ko hinahanap? Tss.

May gig kami ngayon.
Di ko alam bakit tinatamad na ko minsan tumugtog.

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon