Chapter 1

765 25 1
                                    

Part 2 : Chapter 1

Knives POV

3 weeks ago..

Nakita ko si Page at si Rome na magkasama. Nakita ko ang isang kaibigan ni Page kaya hinatak ko ang babaeng yun.

S..Sorryyy Knives si Page lang may plano nun.
Nililigawan ni Rome si Page at napag-utusan lang syang lapitan si Akiko para magalit ka ayun lang yun hindi kami kasali dun.
Kinakabahang sabi nila sakin

Tsss.. so all of this time wala talagang kasalanan si Akiko! Biglang nagbago lahat ng nararamdaman ko. Tuluyang nawala ang galit ko kay Akiko.
Konsensyang konsensya ako.
Lalong tumindi ang pagkamuhi ko kay Page

Naalala ko na naman si Akiko. Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Agad akong nagbihis at pinuntahan sya sa mansion.

"senyorito wala na po dito si Akiko" si Marlene.

"panong wala? Asan nga? San nagpunta??" nagtatakang sabi ko.

"pinalayas po sya ng mommy nyo. Nahuli pong nagnakaw" si Marlene.

"nagnakaw? Pinagsasabi mo? Asan si mommy" gusto kong makapasok sa loob pero pinipigilan nila ako!

"senyorito magagalit ang momny nyo pag nalamang nanggugulo kayo"

"nanggugulo? Ako? Tumabi ka nga ! Mommy lumabas ka dyan!"sigaw ko!

"senyorito umalis na po kayo. Bumalik na lang kayo ulit"

"mommy!!!"

Maya maya lang lumabas na si mommy.
"ano ba't gabing gabi na pero nagwawala ka pa! Kahit kelan Puro ka kahihiyan!"

"asan si Akiko! Bakit mo sya pinalayas?!"

"abay hindi pa ba sumama sayo?! At wala na kong paki sa babaeng yun! Masyado nya nang sinasamantala ang kabaitan ko sa kanya! Alam mo bang pinagnakawan nya ko ha?!" si mommy

Nakita ko si Manang Emma na nakasilip at nakikinig!

"nagnakaw? Sayo? Tss. Kilala ko sya. Hindi nya magagawa yun!"

"sigurado ka.. Nakita sya ni Manang Emma" si Mommy.

"tss. Pinagkakatiwalaan mo yun? Sinabihan na kita nun pero di ka nakikinig sakin! Pati si Aki na inosente pinalayas mo! Tapos ang iniwan mo ay ang mismong ahas sa bahay mo Mag aantay na lang ako kailan ka nyan tutuklawin!" sabi ko.

Bumalik ako sa motor ko at sumakay na.

"bastos ka kahit kelan! magsama kayo ng babaeng yun!"

"talaga! Salamat mommy.. Kukunin ko na sya sayo" pinaandar ko ang motor.

Kailangan ko mahanap si Akiko.

-----------

Akiko POV

Kanina pa ko dito sa park.
Napakadilim na. Hindi ko alam san ako pupunta 😢

Mabuti ay may isa akong kaibigang tinulungan ako.
Kasalukuyan akong pinatira muna ni Madz sa apartment nya..
Maliit lang ito pero ok na. Maayos at maganda..

Kinabukasan..
Nagpaalam din ako kay Madz.
Umuwi ako saglit sa probinsya dahil papagawa ko gitara ko pero babalik din agad ako.

"bakit uuwi ka pa? Dito na lang" si Madz

"kailangan ko makausap gumawa ng gitara na to" sabi ko.

Gusto ako samahan ni Madz pero tumanggi ako masyado na syang madaming natulong sakin.

Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon