Chapter 4

985 24 0
                                    

Akiko POV..

Antok pa ko. Late na ko nakatulog dahil exam namin ngayon sa accounting. Nakayuko akong nagrereview ulit.

Maya maya dumating si Knives. Alam ko nakatingin sya sakin. Di man ako nakatingin sa kanya, sa peripheral sight ko nakatingin sya sakin.

Huhu bakit ba?!

Maya maya dumating na yung prof at
Nagstart na ang exam. Isa isa nito binigay yung test paper. Paglagpas ng prof samin..

Biglang sinipa ni Knives upuan ko!

"hoy labo pakopyain mo ko!" sabi nya.

Problema nya??

Tumingin ako sa prof. Hindi yun nakatingin samin.
"h..indi pwede bawal yun.." bulong ko.

Sinipa nya uli yung upuan ko dahil parang nagalit sya!
Ano ba baka mahuli kami nag uusap!

"natatakot ako.. Ayoko.."

"bilis!" si Knives. Pagpupumilit ni Knives. Huhuhu di ba sya natatakot?

Gumawa na lang ako ng kodigo para ibigay sa kanya. Hirap na hirap ako ipasa yun.

First time ko lang gawin to sa buhay ko. Kinakabahan ako.

"20-30 pa pati solution"

Huhu ayoko na! Baka mahuli kami..

Sinipa na naman nya yung upuan ko dahil antagal ko..

"eto na eto na.." sabi ko. Pagkaabot ko sa kanya nung kodigo

Hala.
Nalaglag yun at nakita ng prof namin..

"ano yan!" yung prof. Yung kaba ko!
Pakiramdam ko sasabog yung dibdib ko!

"s..sir kasi po.. Ano" nauutal ako. napakasungit ng prof namin na to!

"Ms red and Mr Terell?! Ano yan!?"

Nakatingin na buong klase samin.

Di ko alam sasabihin ko. Pag sinabi kong pinilit ako ni Knives malamang balikan ako neto!
Huhuhu.

"sir si Ms. Akiko po kasi.. Gumawa sya ng kodigo at pinipilit na binibigay sakin.. Kahit ayaw ko po binibigay nya"

Ano daw?! Ako?!

"Ms. Red! Totoo ba!"

"hindi po sir hindi ko po magagawa yun.." Pagtingin ko kay Knives. Sinamaan nya ko ng tingin na para bang sinasabing aminin ko na lang.

"totoo po sir.. Kaya dapat tanggalin scholarship nyan!" sabi ni Knives

"hindi po plsss.. Hindi po ganun yun.." nagmamakaawa ako ngayon kay Sir. Mayayari ako neto
Ano na lang sasabihin ni Mam Terell na di ako matino sa pag aaral.

Pinapahiya ako ng prof.
"Cheater!" sabi nya sakin. "alam kong matalino ka pero hindi mo dapat kinukunsinti ang mga classmates mong mangopya sayo! Lalo mo sila tinuturuang maging tamad!" bulyaw nito sakin.

Nakakahiya, nakatingin lahat sakin.
Naiiyak pa naman ako pag napapagalitan ako.

"natutuwa pa naman ako dahil lagi kang highest sa exam. Go to my office! And Wait for me until dismissal! "

Ayoko ng ganitong pakiramdam 😢
Tinignan ko si Knives na nakangisi pa. Nakakainis sya! Nakakahiya dahil nakatingin lahat sakin!

Wala akong nagawa kundi lumabas at di ko natapos yung exam.




Guitar Potion (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon