Akiko POV
"hiii 😊😊😊" si Knives.
Nagbabasa ako ng bigla syang umupo sa harapan ko.
"problema mo?" sabi ko. Akala ata nakalimutan ko panghaharas nya sakin kagabi.
"ahmm ayain sana kitang lumabas" nakangiting sabi nya.
Akala mo talaga ambait amp.
"ano? baliw"
"seryoso ako" -Knives
"tigil tigilan mo nga ako sa kalokohan mo Knives"
"plsss di ba sabi ko gagawin ko lahat bumalik lang tayo sa dati"
"hindi na mangyayare yun"
"basta pagbigyan mo lang ako plss"
Pagtripan ko kaya to."hmm sige dahil mapilit ka..bukas alas 6 ng gabi. Bukas na kasi yung bagong amusement park. Gusto ko sana pumunta kaso wala akong kasama"
"s..sige ako! Sasamahan kita"
Edi goo di naman kita sisiputin eh hahaha sa late nga nagagalit ka. Sa pakara pa kaya.-----------
Knives POV
5:30 pa lang andito na ko sa labas ng amusement park. Bumili na din ako ng pagkain namin dito sa labas. Mas mahal kasi pagkain sa loob.
Sa totoo lang, nagshoshort na talaga ako sa pera. Minsan nga di na ko nakakain ng maayos. Pati etong pinandate ko kay Aki. Inutang ko lang to kay Mayko. Pati tong flowers and chocolates.
Humina din kasi yung kita sa banda lalo nung umalis pa si Terrence. Pero papatunayan ko na kaya ko umangat ng di kailangan ang tulong ng kahit na sino. Papatunayan ko kay mommy yun. Na hindi ako pipitsuging nagbabanda lang.
Alas 6 na. Padami na ng padami pumapasok pero wala akong Akiko na nakikita.
Baka late lang. Pero hindi naman nalelate yun. Tinry ko tawagan pero di nasagot.
Nag antay pa din ako...
6:30..
7:00......
7:30!
8:00!!!!
8:30!!!!!!!!!!!!
Tunaw na tunaw na yung frappe!!
Ahh.. Alam ko na.. Iniinis nya lang ako. Alam nyang galit ako sa mga nalelate. Tss.
Mag alas 9 na pero wala pa din sya.
Uuwi na lang ako! Paasa!Pauwi na ko nang nakasalubong ko na si Akiko. Biglang napawi yung inis ko. Natuwa talaga ako. Papalapit na ko sa kanya. Kaya lang....
Kasama pala nya si Rome?
Agad ako lumapit sa kanila at inabot yung bulaklak ko na ampangit na sa tagal nya. "K..Knives anong ginagawa mo dito?" sabi nya.
Pero di ko sinagot yung tanong nya. At feeling ko bigla na lang nyang naalala.
"omg nakalimutan ko.. Pero alas 6 usapan ah.. Bakit andito ka pa?" sabi nya. Sarcastic.
Tss. Nakalimutan o kinalimutan?
"hinintay kita... Kasi alam ko darating ka" sabi ko."iba ka din pare.. You wait for 3hours? But sorry, She's my date now" si Rome. Sasapakin ko to. Epal.
"date ko sya! Kaya akin sya!" galit na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Guitar Potion (Complete)
Romance"hindi kita papatayin sa saksak o sa baril, pero kaya kita patayin sa selos" Akiko Red is a simple college student. Sya yung tipo ng taong di kapansin pansin but she has a secret. Sa boses at gitara nya kaya nyang paibigin ang kahit na sinong lalak...