Chapter Four

15.2K 382 27
                                    

Song: I Need You More Today- Caleb Santos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: I Need You More Today- Caleb Santos

Audition

Classes immediately started after we enrolled ourselves a few weeks ago. Sabay kaming pumasok ni Kuya. Nang dumaan siya sa kanyang building ay agad siyang binati ng iba niyang kakilala.

"Kapatid mo?" tanong ng isang babae. Ngumiti ang aking kapatid at tsaka ako inakbayan.

"Yes, a freshman."

His friends' mouth formed an "o". Some even asked about the course that I'm taking. I answered them and they even told me that I made the right choice.

"Babagay nga sa'yo 'yon. Matangkad ka at maganda." Nakangiting sinabi nung nagpakilala sa aking Trisha ang pangalan.

"Naku po! Mukhang nagpapalakas na 'tong si Trisha sa kapatid ah?" pang-aasar ng isa nilang kaibigan.

"Hindi ah! Issue!"

Kumunot naman ang noo ko. Is there something going on between her and my brother? Hmm... why is my brother not telling me about it if that's the case?

Tiningnan ko ang aking kapatid at tsaka siya niliitan ng mga mata, pinapahiwatig na may nasesense akong kakaiba sa pagitan nilang dalawa.

"Tss..." aniya sabay tinulak ang mukha ko palayo sakanya.

"So, are you planning to take some extra-curricular activies?" tanong noong Trisha.

"I do. I'm planning to join the Salinggawi Dance Troupe. I hope to get in."

My brother's friends looked surprised with that.

"You're into cheer dancing?" gulat na tanong ni Ricky, matalik na kaibigan ni Kuya.

"No," tumawa ako. "I heard the dance troupe also cater contemporary dancing. That's where I'm... interested."

Muli na namang nabigla ang mga kaibigan ni Kuya. Si Kuya naman ay nakangiti lang habang naririnig ang mga papuri ng kanyang mga kaibigan sa akin.

"Tamang-tama pala! Venice here is a member of Salinggawi Dance Troupe! Baka pupwede ka niyang matulungan sa pag-pasok!"

"Right! We're going to have auditions next week! I would love to see you there, Zaylia." nakangiting sinabi ni Ate Venice.

"Sure thing! I would love to try!"

Naexcite naman ang ibang kaibigan ni Kuya para sa akin. Biniro pa nila ako na pupunta raw sila sa auditions para suportahan ako pero sabi ni Ate Venice ay closed door audition daw iyon kaya imposibleng makapasok sila para sumoporta.

"Buti pa 'tong kapatid mo, Zavier, may talent!" pang-aasar ni Kuya Roi.

Pabirong tumawa si Kuya. "Sorry, I'm more into academics kasi than extra-curricular activies."

Lost and Found (Donovan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon