Song: Like The Movies- Taylor John Williams
Meant
Nagpakawala ako ng malalim na hininga habang seryoso na ginagawa ang hamstring stretch. Academics has been too stressful for me these past few weeks. Minsan hindi ko na rin alam kung paano ipagsasabay ang extra-curricular activity ko at ang academics. But I always make sure to make time for the dance troupe!
Kahapon ay sinabihan kami ng coach na may pipiliin siyang isasabak paara sa isang kompetisyon na magaganap sa susunod na buwan. It's a competition for contemporary dance and it will be held here at UST. Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay mas ginanahan akong umattend palagi ng practice.
I really want to represent this school in that competition! I hope that I will be given a chance. Dahil kung ganoon ang mangyayari, sisiguraduhin kong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. I will not disappoint our coach that she chose me.
"Zaj!"
Napaayos ako ng tayo nang marinig kong tinawag ang pangalan ko. Bumungad sa harap ko si Carter, isa sa mga kasabay kong mag-audition noon. Siya rin iyong tinutukoy ko na magaling sa contemporary dance.
"Hey!" bati ko.
Tumakbo siya patungo sa akin. Binaba niya naman ang kanyang bag sa mat at maligayang ngumiti sa akin.
"Did you hear the news?"
My forehead creased. What news? Wala pa akong nasasagap na balita dahil abala rin ako sa pag-stretch dito.
"What news?"
"Nakapili na si coach kung sino ang ilalaban niya para doon sa competition na tinutukoy niya kahapon!" he smiled widely then he grabbed both of my hands. He started jumping. "She chose us, Zaj! We're going to represent UST in that competition!"
"Oh my god! Are you serious?"
"Of course, I am! Pagkapasok ko, 'yun agad ang sinabi ni coach sa akin. Hinahanap ka niya kaso mukhang nagmamadali siya kaya ako nalang daw ang nagsabi sa'yo."
My jaw dropped in surprise. Can you believe that?! Parang kanina lang hinihiling ko pa na ako sana ang mapili para sa competiton na iyon. Tapos ngayon nagkatotoo na!
I started jumping with him. Napapikit ako at napatili nang dahil sa sobrang kasiyahan. Dapat 'tong malaman ni Briella! Sigurado akong matutuwa rin siya kagaya ko.
Nang huminahon kami ay nagtungo ako sa kung saan ko iniwan ang aking bag. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob at tsaka naupo upang makapagtipa na ng text para kay Briella.
Me:
Remember the competition that I told you about yesterday? Pinili ako ng coach para maging representative ng UST!
I bit my lip as I read my message. Kuya Zavier also need to know about this! Sigurado akong ililibre na naman ako noon nang dahil dito.
Me:
BINABASA MO ANG
Lost and Found (Donovan Series #5)
عاطفيةIn life, we are bound to lose people that are not meant for us... that's why I did not regret losing him. TW: this story contains theme about domestic violence