Chapter Thirty-One

19.5K 507 90
                                    

Song: when the party's over- Billie Eilish

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: when the party's over- Billie Eilish

Smile

Hindi ako makatulog buong gabi nang dahil sa nangyari. Magdamag na nakamulat ang mga mata ko at paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang lahat ng nasabi ko sakanya.

Did I manage to say that out loud? Akalain mo 'yun? Selos lang pala ang makakapag-push sa akin na sabihin sakanya ang totoong nararamdaman ko.

He just kept on smiling at me. Meaning, he was very happy about my confession.

"As much as I want to stay with you inside your room, I know you want privacy. And just because you already confessed, doesn't mean I already have the right to take advantage of it." He smirked. Mapang-asar niya akong tiningnan.

I know he's enjoying this. Wala pa naman din sa utak ko na umamin na ngayon. Pero dahil mukhang nagtagumpay siya na pagselosin ako, ayun at napaamin ako ng di oras!

Ngumuso ako. Kinuha niya naman iyong pagkakataon upang patakan ulit ako ng halik sa labi. My eyes widened. Gio grinned at me.

"I'll see you tomorrow."

Hindi pa kuntento sa isang halik, nagnakaw ulit siya ng isa pa. This time, longer. Hindi ko alam kung bakit naeestatwa ako sa tuwing hinahalikan niya ako. Tila ba nagbablanko ang utak ko pagdating doon. Wala akong ibang alam gawin kung hindi ang matulala sakanya.

When we parted, he sexily licked his lips as he look intensely at me. Kinuha niya ang card sa kamay ko at siya na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. A ghost smile appeared on his lips while he's waiting for me to get inside.

I glared at him.

"Di porket umamin ako sa'yo, dapat mo na akong asarin!" reklamo ko.

"Huh? I'm not even teasing you." he said, acting like he's innocent. I rolled my eyes at him.

"Tss. I know you, Gio. Magpasalamat ka kay Stephanie. Kung di dahil sakanya..." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil humalakhak na siya.

He's still holding the door for me. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan nang dahil sa pagtawa. Hindi ko na rin tuloy mapigilan na mapangiti nang dahil doon.

Ito ang Gio na nakilala ko noon. Masiyahin at laging nang-aasar. Hindi katulad noong nagkita kaming muli, he was very cold and scary. Kung dati, nahihiya ako sa sarili ko sa tuwing malapit siya. Ngayon, mas nagiging komportable na akong muli sakanya.

"You know what? You should get inside now before I change my mind. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tabihan kita matulog."

Lost and Found (Donovan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon