Song: I Know You- Skylar Grey
Warning
Ilang oras rin akong nanatili sa lounge bago ko tuluyang mapagdesisyonan na magtrabaho muli. Nagkita kami ni Gem kanina sa cafeteria at ang sabi niya sa 7th floor daw siya nakatoka.
I don't have anything else to do now. Baka kailangan niya ng katulong sa paglilinis. Tapos na rin naman ako sa ginagawa at kaunting oras nalang ay tapos na rin ang shift ko.
Nahihiya talaga ako sa sarili ko sa tuwing nandyan si Gio. As much as possible, kailangan kong maglinis ng opisina niya nang wala siya doon para hindi ako masyadong nabbother sa sarili.
I remember him telling me that he wish he never met me. He's blaming me for the pain that he felt for being heartbroken. Hindi ko naman alam ang gagawin dahil sa umpisa palang ay naging malinaw na ako sakanya.
Tulala ako nang iwan niya ako doon. I already considered him as my friend and it is never my intention to hurt him like this.
May mga fans na sinalubong ako nang bumalik ako sa Arena. Ang iba sakanila ay sinisisi ako kung bakit daw badtrip si Gio at hindi sila pinaunlakan ng picture.
Marami silang sinabi sa akin. Ang iba ay tila nang-iinsulto na. Hindi ko nalang pinansin pa iyon at binalikan nalang ang kaibigan.
"Hey! Where have you been?" nag-aalalang tinanong ni Briella. "Bumalik si Gio nang wala ka kaya nag-alala ako."
"U-Uh... dyan lang. Nasaan si Gio?"
"Nauna na, Zaj. Mukhang badtrip nga, e. Nag-away ba kayo?" tanong ni Philip.
Hindi ako sumagot. He obviously knows that I am the only reason why Gio looses his mood. Kapag badtrip si Gio, alam na ang rason kung bakit.
Nakita ko namang lumabas na si Ace sa dug out. Agad niyang inilibot ang tingin upang hanapin ako kaya naman ay nilagpasan ko sila Briella para lang makalapit sa kanya.
"Where the hell did that guy bring you? Are you hurt? Are you okay?"
Nagsunod-sunod ang tanong niya. Nginitian ko lamang siya at sinabi na ayos lang ako at wala namang ginawang masama sa akin si Gio.
Nagpaalam ako sa kanila Briella dahil isasabay na daw ako ni Ace pauwi. Habang patungo kami sa kanyang kotse ay bahagya akong napaatras nang dahil sa tanong niya.
"Is there something going on between you two?"
"What?! What makes you think that?"
BINABASA MO ANG
Lost and Found (Donovan Series #5)
RomanceIn life, we are bound to lose people that are not meant for us... that's why I did not regret losing him. TW: this story contains theme about domestic violence