Song: Wait- Grace Ackerman
Need
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na rin agad ang ambulansya na ipinatawag ng mga pulis. Agad na lumapit ang paramedic sa walang malay na si Gio at inihiga ito sa stretcher.
Sumunod ako sa kung saan siya dadalhin. Ipinasok nila si Gio sa ambulansya at bago ba ako tuluyang makasampa doon ay pinigilan ako ng isa sa mga paramedics.
"I'm sorry, Ma'am, only immediate family are allowed inside-"
"They're not here. Ako lang ang pupwedeng-"
"Kaano-ano ka po niya, Ma'am?"
"I'm..." natigilan ako ng sandali at nagawi ang tingin sa kay Gio may kung ano nang nakakabit sa katawan.
They're trying to take everything under control. Sinusubukan rin nilang patigilin sa pagdurugo ang tama ng baril ni Gio. I hope this isn't something serious. I hope he survives from this.
Nilingon kong muli ang paramedic at nakitang nakaangat na siya ng tingin sa akin at hinihintay ang sagot ko.
"I'm his girlfriend. Wala ang pamilya niya dito kaya ako lang ang pupwedeng sumama sakanya." Sabi ko.
Tumango naman iyong kausap ko at hinayaan na akong sumampa sa ambulansya upang samahan na si Gio. I immediately grabbed his hand.
"Gio, please... don't leave me." Pakiusap ko.
Bago naman nila isara ang pinto ng ambulansya ay naririnig ko ang pag-sigaw ni Ace. He saw me inside the ambulance and he's trying to break free from his handcuffs so he can go towards me.
"Come back here you, bitch! Sa akin ka dapat sumama at hindi sa lalaking 'yan! Hayaan mo na 'yang mamatay! Mas mabuti pang mangyari 'yon!" sigaw niya.
I grit my teeth. Kahit kailan napakasahol talaga ng pag-uugali niya. Naka posas na siya't lahat lahat, nagawa niya parang sabihin iyan. And how dare him wish that Gio won't survive this? Kung tutuosin, siya ang dapag na nandidito at hindi siya! He deserves to be punished for everything that he did!
Hindi ko siya pinansin at hinayaan nalang na isarado na nila ang pinto ng ambulansya. I held tighter on Gio's hand. Patuloy naman sa pag-sigaw si Ace, tinatawag ako.
I just keep on praying for Gio's life while we were on our way to the hospital. Natakot pa ako kanina dahil sa pagtunog ng heart monitor niya kanina. Buti na lamang at mabilis na umaksyon ang paramedic na kasama ko kaya nagawan niya agad iyon ng paraan.
BINABASA MO ANG
Lost and Found (Donovan Series #5)
RomanceIn life, we are bound to lose people that are not meant for us... that's why I did not regret losing him. TW: this story contains theme about domestic violence