Chapter Thirty-Two

18K 457 58
                                    

Song: Love The Way You Lie Part 1 & 2- Eminem ft

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Love The Way You Lie Part 1 & 2- Eminem ft. Rihanna

Trigger warning: Violence & Sexual Assault

Wounded


Agad akong napabitaw kay Gem at napaatras. Nagulat siya sa ginawa ko kaya siya napabaling muli ng tingin sa akin. Bakas sa mukha ko ang takot.

My hands started to shake as Ace started to move forward. Mabilis akong tumalikod ngunit mabilis rin akong nahawakan ni Gem.

"Oonga pala, tinanong ako ni Ace nung isang araw kung saan tayo nagtatrabaho. Hindi ko naman inakala na hindi niya alam kaya ako na ang nagsabi. Sana okay lang." Tipid siyang ngumiti at ibinaling muli ang tingin kay Ace na papalapit na sa amin ngayon.

His hand is inside his pocket, may kung ano siyang hawak doon. I started to tremble that I didn't mean to forcefully remove Gem's hand off of me. Nabigla siya sa ginawa ko.

"H-Huh? Bakit?"

"S-Sorry, Gem. H-Hindi na kita masasamahan. Kailangan ko nang umalis." nagmamadali kong sinabi.

Tumalikod na ako. Ngunit hindi pa ako nakakatakbo palayo ay umalingasaw na agad ang boses ni Ace sa paligid.

"Zaylia!" His voice sounds like a thunder that roared through the hospital. Kahit iyong guard ay nabigla.

Ace walked faster now. Kaya kinuha ko na rin iyong pagkakataon na tumakbo na palayo upang tawagin si Gio at humingi ng saklolo.

I stopped in my tracks when I heard a gunshot. I fell on the floor because I thought that I was the one who got shot. Nilingon ko ang bukana ng ospital at nakitang nakahandusay na ang gwardya doon. I figured that maybe he tried to stop Ace.

Nanginig ako sa takot lalo na nang makapasok na siya sa loob ng ospital. Ace started to fire. Naalarma ang mga tao at agad na nagkagulo. Marami ang nagtatakbuhan pero hindi parin ako nakatakas sa nanlilisik na mga mata ni Ace.

Sinubukan kong gumapang palayo at tumayo. Pero nang dahil sa sobrang takot at panginginig ay hindi ko na iyon nagawa pa. Nakita kong lumapat na sa harap ko ang paa ni Ace. He forcefully pulled me up and leveled his eyes with mine.

Nanlilisik ang mga mata niya at madiing hinawakan ang braso ko. His long nails pierced into my skin that I immediately screamed in pain.

"Ah!" napapikit ako sa diin ng pagkakahawak niya sa akin.

"Dito lang pala kita mahahanap!" aniya.

"Bitawan mo ako, Ace!" pakiusap ko at pilit na inaalis ang sarili sa pagkakahawak niya.

"At bakit ko naman gagawin 'yan?! I tried to look for you everywhere! Tapos dito lang pala kita mahahanap?! At sa ospital pa ng lalaking 'yon?! Ginagago mo ba ako?" sigaw niya sa akin.

Lost and Found (Donovan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon