Chapter Seven

13.5K 384 48
                                    

Song: Bad Luck- Khalid 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Bad Luck- Khalid 

Smile

Sinabay ako ni Kuya Zavier papunta sa restaurant kung saan naghihintay ang mga magulang namin para sa amin.

They just finished their meeting when I told them that I got in. They're both so happy for me. Ang sabi pa nila ay tamang-tama lang dawn a magcelebrate kami dahil nakuha rin nila iyong inaasap na proyekto para sa kompanya.

"It's going to be a double celebration!" sabi ko kay Kuya Zavier.

"Ano naman ang icecelebrate nating isa?" tamad niyang tinanong habang nagmamaneho.

I haven't told him that I got in yet. Sigurado akong siya ang unang sinabihan nila Daddy tungkol sa nakuha nilang proyekto. They're always updating him with whatever's happening in our company. Palibhasa kasi, siya ang magmamana nito sa oras na magretiro na si Daddy.

Ngumiti muna ako bago ko ipaalam sakanya ang naging kapalaran ko sa Salinggawi Dance Troupe. Nilingon niya ako at agad namang kumunot ang kanyang noo. He's looking at me like I'm a weird creature or something.

"What is it?" he impatiently asks.

"I got in!"

Hindi agad siya nagreact matapos kong sabihin iyon. At first, I thought that he wasn't proud that I got in but from the moment that he almost shouted... that's where it changes everything.

"Really!?"

Nabigla naman ako dahil halos sumigaw na siya nang dahil sa gulat. Tumango ako at confident na ngumiti.

"Congratulations! I knew you'd make it!"

Niyakap niya naman ako patagilid. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa manibela habang ang isa naman ay ginamit niya upang umakbay sa akin.

"Thanks. Hindi ko nga rin inaasahan, e. Ang dami kasing nag-audition na magagaling kaya sa tingin ko nahirapan silang mamili kung sino ang dapat ipasok."

"But you made it! That only means that you're one of the best, Zaj."

I tried to hide my smile with that compliment. Nakakaflatter naman. He's always seen me perform whenever I compete nationally or internationally and I gotta say that he's one of my bigget fans. Very supportive Kuya.

Nang makarating kami sa restaurant na tinutukoy nila Mommy ay agad kaming iginiya ng isang waitress sa table kung nasaan sila.

Both of them immediately stood up once they saw us. I was surprised when my father handed me a bouquet of flowers.

"Congratulations, darling." aniya sabay hinalikan ako sa pisngi.

"Thanks, Dad." I smiled. Kinuha ko ito at inamoy.

We immediately ordered our foods once we sat down. Si Kuya at si Daddy ay nag-uusap tungkol sa business habang si Mommy naman ay kinamusta ako.

"How's college, Zaj?" nakangiting tinanong ni Mommy. She took a sip of her wine then she returned her gaze back to me.

Lost and Found (Donovan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon