Song: Towers- Little Mix
Bruise
"Zaj, gising! Gising! Si Ace nasa labas!" sigaw ni Tina sa akin habang ginigising ako.
Minulat ko ang aking mga mata. Maga parin ang mga ito at hindi ko alam kung paano ako muling papasok sa trabaho nang hindi ito nahahalata.
Gem is kind of observant. Sigurado ako na tatanungin niya ako sa kung ano man ang nangyari kapag bumalik na ako sa trabaho.
"Hinahanap ka na naman niya, Zaj! Anong sasabihin ko?" medyo natatarantang pinagpatuloy ni Tina.
Unti-unti naman akong bumangon. So, what does Ace wants now huh?
"Papaalisin ko ba? Sabihin mo lang at iyon nga ang gagawin ko."
Nagaalala siyang tumingin sa akin. Umiling ako, hudyat na wag niyang paalisin si Ace. I'm going to face him now. He's been bothering us for days. Ilang beses na siyang nagmamakaawa sa akin na kausapin ko na siya.
But I don't think I'm ready yet. What he did to me was horrifying. It made me more terrified of him. I don't know how will I be able to talk to him again without feeling scared.
Pero kailangan na rin na tumigil ito. It's been weeks since the incident happened. He's given me enough space but I still don't think that's enough to take the horrors away.
Ace won't stop on bothering us until I talk to him again. Nakakahiya na kay Tina na pati siya ay naaabala dito. She's done everything she could to keep Ace way from me but he's just too hard headed.
I know Ace. And he won't stop until he gets what he wants.
Namilog ang mga mata ni Tina. Hindi siguro makapaniwala na ayaw kong paalisin si Ace.
"H-Ha?! Sigurado ka?"
Tumango ako at tamad na bumangon. Walang gana ko siyang tiningnan.
"Hindi 'yan titigil hangga't di niya ako nakakausap. Pasensya ka na at pati ikaw naaabala pa dito."
Tina pouted. "Ano ka ba! Concern lang ako sa'yo. Dapat lang na hindi ka na diyan sumama!"
"Pero hindi ko alam kung papayag ba siyang mangyari 'yun." Sabi ko at tsaka lumabas na upang harapin si Ace.
Paglabas ko palang ng kwarto ay naririnig ko na ang sigaw niya.
"Zaj, please! Talk to me! Talk to me again, baby, please..."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. He still has the guts to call me that huh? How dare him... akala mo walang nangyari para matawag niya ako ng ganyan.
"Please, Zaylia! I'm sorry... talk to me, please..."
Sumilip ako sa may bintana at nakita siya sa labas ng gate ng bahay ni Tina. He looks awful! Para siyang nagpalaboy ng ilang araw nang dahil sa itsura niya.
BINABASA MO ANG
Lost and Found (Donovan Series #5)
RomanceIn life, we are bound to lose people that are not meant for us... that's why I did not regret losing him. TW: this story contains theme about domestic violence