Song: I Still Love You- Skinny Living
Wall
I stood there not sure if what happened was true. Did he really just leave? And without this coffee he asked me to buy for him?
Ano sa tingin niya ang gagawin ko dito? Hindi ko ito iinumin dahil lang hindi niya tinanggap ito. I'm sure there's still another way for him to accept this.
Sa halip na hayaang masayang at walang mangyari sa kapeng ito ay kinuha ko muli iyon sa kanyang lamesa at tsaka dali-dali akong lumabas ng kanyang opisina.
I'm still wearing my bag around me for goodness sake! Ni hindi pa ako nakakapagpalit ng uniform ang dami na agad nangyari!
I'm still going to try and ask him to accept this coffee. I exerted so much effort to buy this one for him. And I even used my own money for this!
Saktong paglabas ko ng opisina ni Gio ay saktong paglabas din ni Miss Irish sa opisina niya. Nagkatinginan kami.
"Is Sir Gio still inside?" she asked.
"Uh, wala na po. Nauna na po ata sa meeting."
Tumango siya at tsaka tumalikod na upang magtungo na sa meeting na iyon. Ngunit bago niya naman maihakbang ang kanyang mga paa ay tinawag ko siyang muli.
Since she's now here and she's also needed in that meeting, why don't I ask her to give the coffee instead? Baka kung ako pa ang magbigay ay magalit pa iyon at masesante pa ako!
Ayoko naman mangyari 'yun.
Nahihiya akong ngumiti sakanya at napakamot ng ulo. It's so awkward to ask someone—who has a higher position than you—a favor you know that you can do yourself.
Tinaasan niya naman ako ng kilay at hinintay akong magpatuloy.
"Uh... pupwede niyo po ba 'tong iabot kay Sir Gio?" sabi ko sabay bigay sakanya noong kape.
Nagulat siya nang makita niya ito. "Hindi niya tinanggap?"
"Hindi po, e. Kaya kung pwede po sana ikaw nalang ang magbigay. Baka po kasi mas magalit pa iyon sa akin. At tsaka mukhang hindi pa po siya nakakapagkape... baka po maubusan siya ng energy na magtrabaho niyan." I chuckled lightly.
Bahagya rin namang natawa si Miss Irish nang dahil doon. Kinuha niya ang kape sa akin at tsaka ngumiti.
"O sige ako na ang bahala magbigay," ngumiti rin ako sakanya at nagpasalamat. "You should go to the lounge now. Pinasabi na naman ni Sir Gio na mahuhuli ka. Maglinis ka na ng opisina niya para hindi na iyon magalit pa."
BINABASA MO ANG
Lost and Found (Donovan Series #5)
RomanceIn life, we are bound to lose people that are not meant for us... that's why I did not regret losing him. TW: this story contains theme about domestic violence