Song: Just One Day- Lyn
Dance
I woke up from a deep sleep when I felt someone tapping my cheek. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at unang bumungad sa akin si Gem. Ngumiti siya sa akin.
"Good morning!" bati niya.
Inangat ko naman ang sarili at kinusot ang mga mata. Masyado atang napasarap ang tulog ko at di na namalayan pa ang oras. Hindi na rin naging alintala pa sa akin ang couch dahil sobrang pagod talaga ako kahapon.
"Dito ka pala natulog kagabi. Bakit hindi ka umuwi sainyo?" nagtataka niyang tinanong.
Umahon ako mula sa couch at dumiretso sa locker ko nang hindi sinasagot ang tanong niya. Sumunod naman siya sa akin.
Isinandal niya ang sarili sa katabi kong locker at tsaka humalukipkip. Pinanood niya lang ako habang kumukuha ako ng gamit.
Hindi talag biro iyong pagod na dinanas ko kagabi! I freaking did a lot of things that I forgot to eat dinner!
"Ang snob mo naman pala sa umaga," ani Gem at tsaka ngumuso. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at tsaka umayos sa pagkakatayo. "Di bale, may pinapasabi si Sir Gio sa akin."
Doon ako natigil sa ginagawa. Kunot noo kong ibinaling ang tingin sa kanya. Umismid siya at pabiro akong inirapan.
"Tamo! Pag si Sir Gio ang attentive mo agad!"
Ako naman ang umirap ngayon.
"Ano raw ang kailangan niya?" tanong ko, binalewala iyong sinabi niya.
"Dumaan siya dito at tinatanong kung gising ka na. Ang sabi sa akin dumaan ka daw agad sa opisina niya mamaya. Mukhang may importanteng sasabihin sa'yo."
Bumuka ang bibig ko. Oh, right! Of course he has a lot of important things to say. Pumayag nga pala ako sa gusto niyang mangyari. We'll probably talk about his plan that's why he's asking me to come right away.
Inalis ko ang tingin kay Gem at nagpatuloy nalang sa pagkuha ng mga gamit.
I don't even know what pushed me to accept his offer last night. I mean, it's a big amount! Malaki na nga ang maitutulong noon sa akin kung sakaling aalis ako. Mas mapapadali rin ang lahat nang dahil doon.
But I also couldn't help but think that is he really willing to give me ten million just to accompany him in that so called "business trip"? The thought of it is just really unbelievable.
Pero naisip ko rin naman na maganda na nga iyong gusto niyang mangyari. That way, I won't have to deal with Ace anymore. Pwedeng pwede akong umalis kahit ano mang oras. It will definitely make things easier.
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay saktong pag roll call din ni Ate Rosita sa amin. Pumwesto ako sa harap niya at napasulyap naman siya sa akin. Tumikhim muna siya bago itinuon ang buong atensyon sa papel na hawak.
BINABASA MO ANG
Lost and Found (Donovan Series #5)
RomantikIn life, we are bound to lose people that are not meant for us... that's why I did not regret losing him. TW: this story contains theme about domestic violence