Chapter Twenty-Four

16K 431 127
                                    

Song: Together- Demi Lovato ft

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Together- Demi Lovato ft. Jason Derulo

Coffee

Alas otso na ata nang makarating ako sa kanto namin. Traffic was crazy! Mabilis nalang sana ang byahe ko dahil madalas ay sumasakay ako ng MRT, pero bago ako makarating sa station ay katakot takot na traffic naman ang tatahakin ko.

Ace was already waiting for me at the corner. Nang makita ako ay agad niyang binitawan ang hawak na sigarilyo at pinatay ito.

I pursed my lips. Ngumiti naman siya sa akin at tsaka ako tinulungan sa gamit ko.

Simula nang magkatrabaho ako ay madalas na niya akong sinusundo sa kanto at tsaka sinasabayan maglakad patungo sa apartment.

Simula rin noon ay gumanda kahit papano ang pakikitungo niya sa akin. Hindi parin naman maiiwasan na uuwi siya ng lasing at pagbubuhatan ako ng  kamay, pero hindi na rin naman napapadalas iyon hindi katulad dati.

Maybe he's treating me like this now because he knows that he can get something from me again now that I already have work.

I flinched when he put his arm around me. Ganito naman lagi ang nararamdaman ko sa tuwing hahawakan niya ako. I always feel like he's going to hurt me once he touches me. Natawa naman siya nang dahil sa naging reaksyon ko.

"Don't worry, I'm not going to do anything."

I chuckled a little in response. Pinilit ko naman ang sarili ko na ngitian siya.

"How's work today, babe?" he asked when we started walking towards our apartment.

"Work's fine. Nakakapagod pero ayos lang naman."

Ace nods his head and smiled cheekily at me. "Have you met someone new today?"

"No, I don't usually talk to anyone at work. Si Gem lang naman ang lagi kong kasama."

Given that Ace is very controlling, madalas niyang tinatanong sa akin kung sino ang mga nakausap ko sa araw na iyon. I always have to tell him how my day went.

Of course, I will not tell him my interaction with Gio and Kuya Rico today. Yes, I may be scared of him... but I also know that once I tell him about this, he will start to rage.

Nang makarating na kami ng apartment ay siya na ang nagbukas ng gate at ng pinto. He let me in first.

"U-Uh... may nakahanda na rin palang pagkain dyan. Hindi ko pa nagagalaw dahil gusto kong sabayan kang kumain."

Lost and Found (Donovan Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon