Teaser

41.9K 815 50
                                    

Started date: May 28, 2019

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters,
businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer/publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

P.S

I do not own any of the pictures used in this story. All credits go to the artist/ owners of the images.

This is a BOYSLOVE story. It is related to a men-to-men relationship. If you were not into these relationships nor even a certified homophobic, you'd better leave the book.

There are some mature scenes in the book that are not suitable for minors ages below. Read at your own risk.


¤¤¤
¤¤¤

Zyrel POV:

Dala-dala ko ang canvas ko kahit saan ako magpunta. Gusto kong pumunta sa tahimik na bahagi ng AU kung saan ako nag-aaral.

Maganda kasing puminta, gumuhit kapag tahimik ang lugar. Iyong walang nang-iistorbo. At walang maingay sa paligid. Iyong nakakalanghap ka ng sariwang hangin at ang mga huni lang ng mga ibon, and natural an huni ng paligid na sinasabayan ng mga pagaspas ng hangin at sumasabay ang mga dahon sa sayaw ng hangin ang naririnig na siyang nagbibigay ng kaginhawaan sa utak.

At alam ko kung saang bahagi ng AU ko iyon mahahanap.

Sa likuran ng building ng BSBA. Maraming puno sa likuran duon at talaga namang tahimik. Mapapayapa ang sarili ko doon at mabilis akong makakakapinta.

Kaya duon ako patungo ngayon dahil wala na akong klase. Ilalaan ko ang natitirang oras bago uwian sa pagpinta. Aabalahin ko na lang ang sarili ko sa pagpipinta bago ako tuluyang umuwi sa bahay. May tatlong oras pa akong gugugulin kaya sigurado akong makakapagpinta pa ako ng pwede kong idagdag sa koleksyon ko.

Nadaanan ko ang Gym. May mga estudyante sa loob at nag-iingay na nanunuod ng basketball. Natuon na din ang pansin ko sa mga naglalaro. Hindi maawat ang mga sigawan ng katulad kong estudyante na namayani sa loob dahil sa ganda ng laro. Kanya-kanyang sigawan sa mga paborito nilang manlalaro. Halos araw araw ng nage-ensayo ang mga manlalaro dahil sa parating na liga ng basketball.

Pero iisa lang ang pinakamalakas at namayaning sigawan. Iisa lang ang halos pangalan na naririnig ko.

"Aaaaah! Go Bryant. And gwapo mo talaga." tilian ng mga kadalagahan na nanunuod. Kaya ako naman ay naengganyong tuluyang pumasok sa loob at nakipanuod.

Nakalimutan ko na ang una kung balak na magtungo sa likod ng BSBA.

"Ahhh!." muli nilang sigaw. "Ang galing mo Bryant. Ang galing galing mo." sigawan nila ng makashoot ng three points ang Bryant na sinasabi nila.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon