#8: Zyrel

12.7K 517 24
                                    

"Bud, may nagpapabigay pala sayo nito."sabay abot sa akin ni Dante ng tatlong pirasong pulang rosas. Kaya naman kunot nuo ko siyang tinignan bago iyon kinuha sa kanya. Pero kakaiba ang ayos nito at parang balisa.

"Sino nagbigay nito?"tanong ko pero hindi binigyan iyon ng pansin at inilapag ko iyon agad sa harapan ng upuan ko. At inayos ang mga gamit ko para simulan ng aralin ang mga dapat kong aralin para makahabol ako sa labing tatlong araw kong hindi pagpasok.

Sino na naman kaya ang babaeng nagbigay ng bulaklak, ilan lang ba iyon sa may lihim na may gusto sa akin? Marami kasi akong natatanggap na mga bulaklak sa ibat ibang mga babae na nagpaparamdam sa akin pero hindi ko binibigyan ng pansin.

"Hulaan mo Bud. Mukhang mapapasubo ka sa pagkakataong ito." makahulugang sagot nito at luminga sa paligid at lumapit sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"takang tanong ko at gaya niya luminga din ako sa paligid kung ano man ang tinitignan niya.

"Ano bang ginawa mo at bakit napansin ka ni Bryant? Dahil siya mismo ang nagpapabigay niyan."bulong na sagot nito sa akin kaya naman marahas ang naging paglingon ko sa bulaklak sa ibabaw ng lamesa ko.

"Nagbibiro ka Dante. Hindi magandang biro iyan."

"Kung nagbibiro nga lang sana ako Bud. Pero iyon ang totoo. Ako nga din nagtaka at gusto kong tanungin sa kanya kung bakit pero natakot ako baka makick out ako bigla dito sa eskwelahan kung nangahas akong tanungin ang bagay na iyon."seryusong sagot nito. Ngayon ko lang nakitaan din ito ng bahagyang takot at ramdam ko ang kaba niya na palinga linga sa paligid.

"Then! I don't need this."saka ako tumayo at kinuha ang mga bulaklak at itinapon mismo iyon sa basurahan at muling bumalik sa upuan ko. Kampanting umupo ako at parang walang nangyari at wala akong natanggap na bulaklak.

"Anong ginawa mo. Baka nag mamatyag lang siya sa paligid."nahintakutan na sabi nito pero wala akong makapang takot kay Bryant. At ano ang balak niya at may nalalaman pa siyang pagbibigay ng bulaklak. Akala mo naman babae ako at kung makabigay ng tatlong pulang rosas ay wagas. "Ako ang mapapahamak niyan dahil kabilin bilinan niya na dapat ay tanhgapin mo iyon dahil kung hindi daw ay lagot ako."nahintakutan na sabi nito sa akin.

"Masyado kang takot sa kanila Dante." kampanteng sagot ko sa kanya at pinagtuunan ko na ng pansin ang mga work sheet ko na nakapatong sa lamesa ko.

"Nakakalimutan mo ba na sila ang batas sa eskwelahang ito. Lahat ng estudyante dito ay takot sa kanila at walang nangangahas at walang may gustong makasalamuha ang landas nila."muli nitong sabi sa akin.

"Nonsense. Tao lang din sila. Hindi sila Diyos para katakutan."sagot ko. "Tama na nga iyan. Masyado mong pinag aalala ang sarili mo. Aralin mo na lang mga work sheet mo ng makahabol tayo sa grado natin." pambabaliwala ko sa sinasabi nito.

Kahit hindi siguro siya makapagtuon sa ginagawa at tumalima naman ito at hinarap ang work sheet din nito sa sariling lamesa.

Pansin ko na hindi nawawala ang patingin tingin niya sa akin kaya ako man ay parang hindi din makafucos sa binabasa ko. Pero hindi ko na lang ipinahalata.

Ano ba aksi ang nasa isip ng taong iyon at binigyan niya ako ng bulaklak? Ewan, wala lang siguro siyang magawang maganda sa buhay kaya pati ako ay pinagdidesketahan.

*******

"Hey! Remember me."nakangiting lumapit sa akin ang isang magandang babae. Pero saan ko nga ba ito unang nakita? Hindi ko matandaan.

"Pasensya na. Pero hindi ko matandaan. Namumukhaan kita pero hindi ko maalala na magkakilala tayo."

"Naman!."napalabi ito saka walang babalang umupo sa upuan sa tapat ko. "Your no.1 fan. Kristin. Ako iyong laging bumibili nga mga ipinipinta mo."

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon