#39: Zyrel

6.6K 322 23
                                    

Typo and Grammatical error ahead!!!





# 39_Zyrel





"Pakawalan niyo ako."sigaw ko at kinalampag ko pa talaga ang silid na kinalalagyan ko. Ilang oras ba ako nawalan ng malay matapos akong makaamoy sa panyong idinikit sa ilong ko kanina.

Walang sumagot mula sa labas. Nagpatuloy ako sa kalampag ng pinto para lang may makarinig sa akin at buksan ang pintuan ng silid na kinalalagyan ko.

"Ahhhhhh, palabasin niyo ako." Muli kong sigaw.

Sino ba ang nagpadukot sa akin at ano ang kasalan ko sa kanila?

Di kaya....?

No! Hindi naman siguro ang mama niya ang gumawa sa akin nito. Saka sa inis ng mama niya sa akin ay alam kong hindi lang ganito ang sasapitin ko. Baka nakagapos at may takip ang bibig ko kung sakali.

"Sino ba kayo? Pakawalan niyo ako dito." Muli ko na namang sigaw ng sa pag iisip ko ay nakarinig ako ng mga nagsasalita pero wala akong naintindihan kahit isa.

Japanese?

Mga hapon ang nasa labas ng silid na kinalalagyan ko sa narinig kong salita nila. Pero bakit may mga hapones dito sa pilipinas at ano ang kailangan nila sa akin??

"Palabasin niyo ako dito." Sigaw ko na naman pero hindi nila ako pinakinggan. Bagkus mga yabad palayo na lang ang naringgan ko.

Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanila at bakit nila ako dinakip? May kaugnayan ba ang mama niya dito?

"Ano ba? Pakawalan niyo ako."

But still, no one answered me.

Namaos na yata ako sa kasisigaw kaya naman kahit gusto ko pa sanang sumigaw ulit ay pinagpahinga ko na muna ang lalamunan ko. Mabuti na lang hindi ako nakatali at magagalugad ko ang loob ng silid kung saan nila ako kinulong.

Mamahalin ang lahat ng gamit sa loob at parang hindi naman kulungang masasabi ang silid dahil ang aliwalas sa paningin ang kulay apple green na pintura. Napakaaliwalas tignan.

Naupo ako sa gilid ng kama. Nauuhaw na ako dahil namamaga na ang lalamunan ko sa kanina ko pang pagsigaw.

Ano ba ang gagawin nila sa akin at bakit nila ako dinukot? Maiiyak na ba ako? Kung ransom naman ang kailangan nila, nah.. mas mayaman pa yata ang nagpadukot sa akin kong pera lang ang kailangan nila.

"Bryant." Banggit ko sa pangalan niya. Nalaman na kaya niya na may dumukot sa akin? Hinahanap na niya kaya ako? "Tulungan ko ako Bryant." Kahit na alam ko naman na hindi niya ako naririnig ay paulit ulit na binabanggit ko ang pangalan niya.

Sa pagmumuni muni ko at naghihintay ng susunod na galaw ng dumukot sa akin ay napatingin ako sa pintuan na ngayon ay bumukas na at sunod sunod na limang babae ang pumasok na may dalang mga tray ng pagkain. Oo, kahit hindi ko iyon tignan ay alam kong pagkain iyon kahit pa natatakpan ng stainless iyon at hindi makita ay naamoy ko siya.

Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko dahil sa bango ng amoy ng mga pagkaing dala nila.

"S-sino kayo?" Tanong ko sa mga ito kahit na gusto ko sanang mas tanungin kung para sa akin ba ang dala nila.

Nagkatinginan ang mga ito. Mukhang hindi yata naintindihan ang sinabi ko dahil halata na mga haponesa ang mga babaeng nasa harapan ko.

Hindi sila nagsalita bagkus hinila nila ang isang lamesa sa gilid at ipinatong doon ang mga dala nila isa isa.

Ayaw ko man sanang mapalunok pero hindi ko mapigilan dahil nakapanlalaway nga naman ang mga pagkaing naihanda.

"Saisho ni taberu." Sabi ng isa.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon