#17: Zyrel

10.4K 438 64
                                    

"May problema ka ba?"

"Wala po ma."sagot ko kay mama ng lapitan ako sa may biranda ng bahay habang nagbabasa ako ng libro ko. Sabado na ng hapon iyon.

Pero hindi ko naman maisaulo ang mga binabasa ko dahil lumilipad ang isip ko sa kung saan.

Naiinis ako ng hindi ko mawari dahil halos mag iisang linggo na mula ng makapag usap kami ng maayos ni Bryant. May nalalaman pa itong lets start dating eh hindi na siya nagpakita sa akin simila noon. Nakakabwesit.

Halos araw araw na akong nagtutungo sa tree house pero walang Bryant na nagpapakita. Nagbago na ba ang isip niya. Bwesit na iyon. Kung kailan nagpasya na akong subukan at pasukin ang relasyong sinasabi niya. Ngayon naman bigla siyang missing in action. Magpakita lang sa akin ang bwesit na lalaking iyon. Makikita niya. Humanda siya.

Grrr! Eh ano naman kaya ang gagawin ko kung sakali man muli ko siyang makita?

Huh! Ewan.

"Pero hindi naman yata sa libro na hawak mo ka nakatingin. Anong tinitignan mo sa kalangitan."

"Si mama naman. Syempre isinasaulo ko ang binabasa ko."pagdadahilan ko dahil hindi ko naman masabi dito na si mismong si Bryant ang nasa isip ko. At kung ano ang gagawin ko kung nakita ko siya.

Grrr!  Na naman! Gigil talaga ako sa inis sa kanya. Gigil talaga ako sa pagkamiss ng kakulitan niya, at gigil ako sa pagkamiss ng halik niya.

Waaaaaaaaaaaaaaahhhh! What the fucking hell Am I thingking. Bwesit talaga. Kung ano ano na ang nasa isip ko. Hindi ko siya namimiss. Period. Tuldok. Wala ng kuwit, kuwit para wala  ng kasunod.

"Ewan ko sayong bata ka. Hindi mo naman kailangang maglihim sa akin. Akala mo ba hindi ko napapansin na nitong huling nakaraang araw ay wala ka sa sarili mo? Iniisip mo ba siya?"

"Mama." Nilabian ko ang mama sa sinabi niya. Eh! Huling huli niya ako. Ganun na ba ako ka obvious?

"Anak naman, wala kang maililihim sa akin. Saka hindi ako mapanghusga, hindi ako kagaya ng ibang magulang na itatakwil ang anak dahil lang doon. Basta ang akin lang, siguraduhin mong panghabang buhay iyan."

Kiming ngumiti ako at kumilos ang mama at niyakap ako sa likuran ko habang nakaupo parin ako.

"Be your self Z, basta huwag mong papabayaan ang pag aaral mo. Tingin ko naman mabuting tao si Bryant."

Para akong biglang nasamid sa huling sinabi ng mama. Si Bryant? Mabuting tao? Haha! Kung alam mo lang mama. Kung alam mo lang.

"Hala, anong gusto mong meryenda? At ng maipaghanda kita, bago ako pupunta sa palengke ng masamahan ang mga kapatid mo sa pagbabantay sa supermarket."

"Hindi na po kailangan mama, sasama na lang ako sa inyo." Saka ko itiniklop ang libro ko na wala naman akong naintindihan sa mga nabasa ko.

"Batang to oo! Huwag na. Aralin mo ang dapat mong aralin dahil ikaw itong nasa kolehiyo na. Hayaan mo na kami."

"Kayo po ang bahala mama."

"At huwag ka na ding magluto. Mag uuwi na lang kami ng lutong ulam mamaya."

"Sige po mama. Ingat na lang po."

Muli kung itunuon ang pansin ko sa binabasa ko ng magpaalam na ng tuluyan ang mama. Maya maya pa ay narinig ko na ang pagbukas at muling pagsara ng gate kaya naman sigurado akong umalis na ito.

Well, lilibangin ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa para naman mawala sa isip ko ang bwesit na Bryant na iyon.

Nakakagigil eh. Hindi ko mapigilan.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon