#19: Zyrel

9.3K 425 25
                                    

May ngiti sa mga labi akong naglalakad patungo sa tree house. Mula ng makapagusap kami kahapon ni Byrant ay hindi na siya nawala sa isip ko lalo na yong muntikan na may nagyari sa amin.

That was close enough kung  hindi lang dumating ng maaga sina Mama ay malamang mas higit pa duon ang nagawa namin.

At ang isa sa hindi mawala wala sa isip ko ay kung gaano iyon.. aaaahhh! Para talagang nasa harapan ko lang iyon kapag naaalala ko. Kung gaano iyon kala... At gaano iyon kaha.. At kung gaano iyon kati...

Damn it. Kailangan ko bang sabihin talaga. Huwag na. Alam naman na niyo siguro kung ano ang gusto kong sabihin.

Mukhang  bumigay na yata ako. Ang dati nangang malambot na kilos ko ay mas lalo pa yatang lumambot ngayon. Hindi naman kasalanan ang maging malambot. Basta wala akong dinedehadong tao sa kalambutan ko. Saka hindi ko naman ipinapakita iyon sa iba maliban sa pamilya ko at ngayon aay kay Bryant. Oo, walang nakakaalam ng kalambutan ko sa pagkatao ko. Pero parang ngayon ay nag uumpisa ko ng ilabas iyon dahil kay Bryant.

Huh! Ewan. Mabilisan na nga ang paglalakad para marating ko na agad ang tree house. Alam kong nandoon lang siya dahil sabi niya ay hihintayin niya ako don ngayon kapag tapos na ang klase ko. So here I am now, walking papunta sa tree house habang may mga ngiti sa labi.

Nasa kalagitnaan pa lang ng daang binabagtas ko papunta doon ay nadaanan ko ang limang grupo ng kalalakihan na parang may inaabangan talaga.

Madadaanan ko kasi ang department ng mga Computer Engr. Malamang estuyante sila ng CE. Iiwas na sana ako ng humarang sila sa dadaanan ko. Akala ko ay nagkataon lang pero ng umiwas ako ay muling hurang ang isa. Kapag iiwas naman ako sa kaliwa ay ganun din. Humarang din ang isa sa akin. Hanggang sa tuluyan ng wala na akong madaanan dahil sakop na nila ang daan.

"Makikidaan lang ako."kampanting sabi ko sa mga ito. Nakaramdam man ako ng takot dahil sa klase ng tingin nila sa akin ay hindi ko ipinahalata sa kanila. Saka wala naman akong atraso na ginawa sa kanila kaya wala silang harangan ako.

"Napapansin kasi namin na palagi kang dumadaan dito."sabi ng isa. Sa nakangising paraan.

"Madadaanan ko kasi ito kapag pupunta ako sa
Department ng BSBA."sagot ko sa mga ito.

"We know, dahil simula ng nakikita ka namin ay sinundan ka na namin minsan. At sa bandang likod ka nagtutungo. Kung saan doon namamalagi ang Bryant na iyon."

Well, hindi naman nakakapagtaka kung kilala siya ng mga ito. Eh wala naman hindi nakakakilala sa kanila sa school na ito maliban sa akin kong hindi ko siya nakaengkwentro noong una.

"Sa pagkakaalam namin ay walang ibang nakakapunta doon maliban sa kanya pero nangangahas kang magpunta doon. Marahil ay hindi mo pa siya nakakasalamuha kaya wala kang takot sa kanya."

"Wala akong pakialam. Kung wala na kayong sasabihin sa akin ay paraanin niyo na ako." Maalumanay na sabi ko pa sa mga iyo pero ngisi lang ang isinagot nila sa sinabi ko.

"At napapansin ka talaga namin. Sa tindig at porma ko masasahing wala kang kalambutan sa katawan pero, ang ganda mo, hindi mo ba alam iyon?"

Hindi ko na mapigilan ang mangunot ang nuo dahil sa  sinabi nito. Ngayon ay parang nahuhulaan ko na ang gusto nila kaya hinarangan nila ako ngayon.

Pero bago pa man ako makasagot sa kanila ay mabilis na hinawakan na ako ng dalawa sa magkabilang braso.

"Aaah! Let me go."napaigik ako dahil sa higpit na pagkakahawak na iyon sa akin.

"Yeah! We will let you go, but we need to taste you first."

"What the hell are you talking about. Fuck let me go."pasigaw na tanong ko pero hindi nila ako pinakinggan. Sisigaw pa sana ako ng takpan na nila ang bibig ko.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon