#20: Zyrel

9.4K 412 33
                                    

"Sabi ng doctor you can't use your hand for a week and don't force it to write or else mas matagalan ang recovery nito kaya makinig ka sa akin simula ngayon."mahabang lintaya ni Bryant ng palabas na kami ng hospital as if naman hindi ko narinig ang bilin sa akin ng doctor.

"Oo na po."iyon na lang ang isinagot ko dahil hindi naman titigil ito kapag hindi ko sinang-ayunan ang sinasabi niya. Saka ayaw konding suwayin ang doctor dahil kapag nanguari iyon ay maaapektuhan ang pagpipinta ko.

"At ipagpapaalam kita sa mama mo na sa akin ka titira from now on. Dahil ayaw kong ulit na mangyari ang nangyari kanina sa tuwing uuwi ka ng mag isa ay baka may humarang na naman sayo."

"What?"dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at tumitig sa kanya.

"Narinig mo ako, lets go. Uuwi tayo ngayon sa bahay niyo to get you some clothes. Huwag ka ng magreklamo. Kung ayaw mo akong nakapatay kapag may nagtangka pa ulit sayo gaya kanina. Sundin mo ang gusto ko." seryusong sabi niya saka ako hinawakan sa kaliwang kamay at pinagdaop ang mga palad namin at hinila na para muling ipagpatuloy ang naudlot naming paglalakad palabas ng hospital.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse nito. Siya na din ang naglagay ng seatbelt ko at padamping hinalikan sa labi bago isinara ang pinto saka namam siya sumakay.

"Ayaw ko ng ulit na mangyari iyon sayo. Hindi ako makakapayag na may hahawak sayo dahil hindi ako mangingiming kitilan sila ng buhay kapag naulit ang bagay na iyon." Seryusong saad pa niya na ngayon ay nakatingin na sa akin ng makasakay siya. "Paano na lang kung hindi dumating ang kapatid ko. Paano na lang kung nahuli siya ng dating. Baka hindi lang gahasa ang ginawa nila sayo, dahil kung natuloy iyon ay malamang wala ka ng buhay ngayon."

Napalunok ako sa sinasabi niya. Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kanya.

"Kilala sila na wala din kinakatakutan. Hindi lang namin sila naaaktuhan sa mga ginagawa nila kaya hindi namin sila napaparusahan. Pero nagkamali sila ng kinanti. Dahil ikaw ang pinagdiskitahan nila. Kung hindi mo ako pinigilan. Hindi lang iyon ang ipaparanas ko sa kanila. Dahil kahit buhay pa sila ay ipaparanas ko sa kanila doble ang dadanasin nila sa empyerno."

Ang tingin niya ngayon ay gaya ng tingin niya kaninang kaharap ang nagtangka sa akin. Kaya  naman hindi ko mapigilan ang mangilabot kahit hindi para sa akin ang mga tinging iyon.

"Kaya nakikiusap ako. Ito ang unang beses na nakiusap ako Zy, listen to me. I don't like that to happen again."saka ako hinaplos sa pisngi. Napapikit ako dahil sa gaan ng paghaplos niya sa pisngi ko. Ang init na nagmumula sa palad niya ay nanunuot sa balat ko kaya naman tumango ako bilang sagot sa pakiusap niya.

I know, hindi niya kailangang makiusap dahil kung talagang gugustuhin niya ay siya parin ang masusunod.

"Lets go."masuyong muli niyang sabi ng bitawan ako saka hinarap ang manobela at pinaandar iyon. "Ako na ang makikipag usap sa mama mo."dagdag pa niya.

"Ok! Ikaw ang bahala."sagot ko na lang sa kanya hanggang sa tuluyan na naming bagtas ang daan pauwi sa bahay.

*****

"Z, anong nangyari sa kamay mo."iyon ang unang lumabas na tanong ng mama ng salubungin kami ni Bryant papasok ng bahay. Nagkatinginan kami ni Bryant bago ako sumagot.

Sinabi ko kay mama ang nangyari sa akin kanina na muntikang may gumahasa sa akin kaya naman nabalutan ng pag aalala ang mama dahil doon. Pero hindi ko na sinabi ang ginawa ni Bryant sa mga iyon na halos mapatay na niya ang isa kanina.

"Ayos ka lang ba?"

Tumango ako ng yakapin ako ng mama.

"Mga demonyo ang mga taong iyon. Dapat sila pinapatay."galit na sabi pa nito saka tumingin kay Bryant. "Salamat sa pagtulong mo kay Z, hijo. Kung hindi dahil sa inyo ng kapatid mo malamang-."

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon