#27: Brix

8.9K 382 67
                                    

Naging abala na ako sa mga sumunod na araw sa pag aaral dahil sa malapit na ang final namin sa first sem. Kaya naman napuno ang utak ko sa inaaral ko at nawala ang nakita kong tagpo sa pagitan nila ni Brent.

Saka hindi naman ako sigurado doon. Lasing kami pare pareho. At saka, wala na iyon sa akin kung meron mang milagrong nangyari sa kanilang dalawa. Dahil wala naman talagang officially kami ni Clent at magagawa niya ang lahat ng gusto niya na hindi niya inaalala kung ano ang magiging reaksyon ko kaya naman babaliwalain ko na lang iyon.

Okay lang! Buhay niya iyon. Basta huwag na lang niya ulit papakialaman ang buhay ko gaya ng una niyang ginawa niyang mga nakaraang araw na magkasama kami.

Ang ayaw na ayaw ko talaga ang ang may kung nagmamando sa buhay ko. Kaya minsan talaga naiinis ako kay Clent. He always bosses me na ayaw na ayaw ko. Sina mama at papa nga ay hindi pinapakialaman ang buhay ko dahil alam nila na ayaw ko ng nasasakal sa mga gusto nila para sa akin dahil mas gagawa ako ng paraan para makawala sa pagmamando nila kaysa sundin ang gusto nila. Like Clent did. I hate him when he bosses me around.

"Inum tayo mamaya." Aya sa akin ni David ng pumunta ako sa office namin.

"Sige, tapusin ko lang basahin ang mga file na ipinasa ng papa sa akin. Nasabihan mo na ba ang iba?"

"May klase pa sila, kaya mamaya na lang kapag nandito na sila."

"Okay."

Itinuon ko na ang pansin ko sa mga papel na ipinadala ng papa para sa iba pang importanting detalye sa pamamalakad ng eskwelahan.

Natuon na kasi lahat sa akin ang lahat ng obligasyon simula ng makilala ni Bryant si Zyrel dahil inuuna na nito ang boyfriend niya.

Ganun ba talaga iyon, mas mahalaga ang maasikaso ang kasintanhan kaysa sa trabaho. Pwede namang bigyan ng time ito diba. At hindi lang sa iisang bagay ka mag fucos. Naiiling ako habang nasa isip ko iyon. Pag ibig nga naman. Nagagawa lahat masunod lamang ito.

"Nga pala Brix, nabalitaan mo na ba ang tungkol kay Clent?" Pagkuway tanong ni David sa akin.

Napaangat ang tingin ko dito.

"Ang alin?"

"Mag ma migrate na daw siya sa US. Iyon ang sabi ng papa sa akin na naikwento ni tito Clemente sa kanila? May alam ka ba dito? Tapusin daw lang niya ang sem na ito saka siya aalis."

Nangunot ang nuo ko sa binalita nito? Bakit naman biglaan? Iyon ba ang pinag awayan nila ng papa niya? Ang paglilipat ba niya sa ibang bansa na ayaw niyang pumayag?

"Bakit daw? Ano daw dahilan?"tanong ko.

"It's because of you, Brix." Seryusong sagot nito sa akin saka lumapit sa mesa ko at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw nito.

"What? Why me?" Lalong nangunot ang nuo ko dahil doon. Ano namang kinalaman ko doon kung sakali.

"Papa said, na discover na ni tito Clemente ang naging relasyon sa pagitan niyo at hindi iyon tanggap ni tito kaya pinilit nito na ipatapos sa ibang bansa si Clent."

"Dahil lang doon? Ang babaw naman ni tito. At saka wala namang totally kami ni Clent and look ag us now. Wala na kaming ugnayan sa isa't isa. Bakit kailangan pang umalis siya?" Nakaramdam ako ng galit dahil doon. Parang gusto kong puntahan si tito Clemente para kumprontahin ito at sabihin ditong he don't need to throw out Clent in the country.

"Hey! Saan ka pupunta?"pigil sa akin ni David ng kumilos nga ako para puntahan ito na siyang dahilan para matauhan ako.

Bakit nga ba affective ako masyado. Ano naman pala ngayon kung ipatapon si Clent sa ibang bansa at doon na manirahan.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon