#28: Brix

8.9K 401 72
                                    

"Mag usap tayo." Pahilang pinatayo ko si Clent ng puntahan ko siya sa department nila na ngayon ay nasa kalagitnaan sila ng klase nila.

"Mr. Alcaide. We are at the middle in my class." Sita sa akin ng profesor nila pero hindi iyong paninita na talagang may galit.

"Is none of my business because I don't give a damn. Then dismiss it." Sagot ko dito at bahagyang tinapunan ito ng masamang tingin. Hindi lang ito magkakamaling muling magsalita ng pabalang sa akin dahil ora mismo ay kaya ko siyang ipatanggal sa eskwelahang ito. Saka ko muling nilingon si Clent na hindi tumayo sa pagkakahila ko na ngayon ay tila nabigla sa bigla kong pagsulpot sa harapan niya pero saglit lang iyon.

"Huwag mo akong istorbohin Brix. Nag aaral ako." sagot niya sa akin saka niya tinabig ang kamay kong hawak ko at muling itinuon ang pansin sa harapan ng guro nila. "Ipagpatuloy mo ang pag tuturo Prof. Don't mind him." Pang uutos niya sa profesor nila pero hindi na nangahas na magsalita ito dahil tinapunan ko ng nagbabantang tingin kapag sinuway ako.

"I said we need to talk." Galit na muli kong sabi sa kanya dahil hindi niya ako pinansin at muli ko siyang hinawakan pero tinabig lang din niyang muli ang kamay ko.

"Hindi na kailangan dahil wala tayong pag uusapan." May tigas na tunong sagot niya at ni hindi na nag abalang tumingin sa akin. At sa inis ko ay hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi gamit ang isang kamay ko para ipaharap siya sa akin kaya ang lagay napaawang ang labi niya dahil sa pagkakaipit ng daliri ko sa pisngi niya. "Bitawan mo ako Brix. Bago ko lumpuin ang kamay mo."

"Sige subukan mo kong kaya mo akong lumpuin. Akala mo ba hindi ko kayang labanan ka. Kaya sa ayaw at sa gusto mo mag uusap tayo."

Gamit na muling iwinaksi niya ang kamay ko sa ka din niya inipit ang magkabilang pisngi ko gamit ng isa niyang kamay.

"Wala tayong pag uusapan. Kaya makakaalis ka na Brix. I warn you. Or else, I really break your arms if you try to hold me again again." May pang gigigil din sa inis na banta niya sa akin at galit na tumayo.

"Anong wala. Tatayo ka ba diyan o silang lahat ang lalabas ng room niyo at tayo lang ang maiiwan dito?" Galit na banta ko din sa kanya at muli kong inipit din ang pisngi niya kaya ang lagay pareho na kaming nag susukatan ng tingin at parehong hinigpitan ang pagkakahawak sa mga pisngi namin. Pero kumilos ako at inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Ano bang problema mo at basta ka na lang susulpot dito? Nakapag usap na tayo ng maayos Brix kaya tigilan mo ako ngayon. Huwag mong estorbohin ang pag aaral ko." Sagot niya sa akin at hindi pinansin ang banta ko sa kanya at muli akong binitawan.

Napangisi ako at binitawan din siya dahil napansin ko ang paglunok niya ng halos wala ng pagitan kanina ang mga mukha namin.

"So hindi mo papansinin ang banta ko. Pwes sila ang lalabas at tayo ang maiiwan dito." Nakangisi man ako sa kanya pero may galit na lumingon ako at inisa isa tinignan ang mga ka klase niya na nakatingin na lahat sa amin pati ang prof na wala ng kaimik imik na halos nakaawang na ang bibig dahil nalilito siguro sa nangyayari sa pagitan naming dalawa. "Narinig niyo ako. Iwan niyo kami dito. Ngayon din." pasigaw na utos ko sa kanila na mabilis naman silang tumalima. Kasama na ang profesor nila na sumabay na sa nagsilabasang estudyante niya na nagising sa pagkatunganga. Pero ang ikinainis ko ay ang tumayo siya at sumabay sa paglabas sa kanila.

"If you want to stay in our room. Sige. Iyong iyo na ang room namin. Iniistorbo mo lang ako." Sabi pa niya bago tuluyang tumalikod sa akin.

"Sabing mag usap tayo." Inis na hinabol ko siya na naabutan ko na sa may pintuan at pasalyang isinandal siya sa pader at pabalibag na na isinarado ang pintuan. I put my arm on his neck to lock him up para hindi siya makawala agad. "Hindi lang ikaw ang marunong magmanipula. Dahil kaya ko din. Kaya sa ayaw at sa gusto mo mag uusap tayo." Galit na talaga ako sa ipinapakita niyang pangbabaliwala niya sa akin kaya mas diniinan ko ang braso ko na nakadiin sa leeg niya dahilan para pangunutan siya ng nuo at mapatingala. Hindi naman na ito nagtangkang kumawala sa pagkakasakal ko sa leeg niya at titig na titig lang siya sa akin. Wala man akong makitang ibang emosyon sa mga mata niya ay hindi na mahalaga iyon.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon