#24: Brix

8.8K 396 65
                                    

"Saan kayo magbabakasyon ng isang linggo?"tanong ni David ng nagtipon tipon kami ng hapong iyon sa opisina namin dito sa AU.

"Boracay na lang siguro. Saka limang araw na lang naman."sagot naman ni Bryant dito.

"Ngayon na ba ang punta niya?"tanong ko naman dito.

"Yeah! Mamaya na. Eh ikaw, kayo ni Clent. Kumusta. Mukhang hindi na nagpakita sayo iyong tao ah." Pang iiba niya ng usapan kaya naman napatingin sila sa lahat akin. Heto na naman kami.

"Nah! Huwag na nga natin siyang pag usapan. Maganda na nga iyon ng hindi na siya nangungulit sa akin."sagot ko pero sa totoo ay naninibago din ako pero hindi ko na ipinahalata iyon sa kanila.

"Sa pagkamanhid mo ba naman, talagang iyan ang sasabihin mo. Hay naku Brix. Wala ka man lang bang kalambing lambing sa katawan. Hindi mo man lang ba siya namimiss." si Harold.

"Bakit ko naman siya mamimiss. Anong mamimiss ko sa kanya? Yong kakulitan niya? Yong pagkabossy niya? Naku! Huwag na Harold. Hindi ko siya mamimiss."sagot ko dito. "At ayaw na ayaw ko ng mag nagmamando o kumovmcontrol sa akin."

"Ewan ko lang sayo Brix huh! Ano bang hindi mo nagustuhan sa isang iyon. Tingin naman namin nasa lahat na sa kanya ang katangian na gugustuhin ng isang babae. Bukod sa may hitsura, tanggkad at higit sa lahat talino. Haha, iyon nga lang. Ewan kong anong nakain niya na imbes na babae ang tuhugin. Mas gusto niya ang magpatuhog sayo."natatawang sabi naman ni Lowelle. "Iba din ang takbo ng isang iyon. Kakaiba. Hindi ko mawari kong anong tatakbo pa sa isip sa susunod na hakbang na gagawin eh."

"Sinabi mo pa." sigunda naman ni Lander.

"Sandali nga bakit ba sa akin at sa kanya na naman nabaling ang usapan. Ang pinag uusapan natin dito ay ang pamamasyal ng lovey dovey na si Bryant at lalabs niyang si Zyrel." inis na sita ko sa mga ito. Wala na ba silang napapansin maliban sa akin na kahit nasa kalagitnaan pa lang kami ng isang usapin ay naisisingit talaga nila si Clent.

"Eh sa mas nakakaintriga kayong dalawa eh. Para kayong aso't pusa pero kung maglampungan naman kakaiba." Sagot ni Harold.

"Tangna, hindi ko alam kong kaibigan ko pa ba kayo o hindi."naasar na tumayo ako at mag wo walk out na sana.

"Hahaha! Kaibigan ka nga namin eh. Kaya nga mas magandang pag usapan ka namin ng harapan kaysa talikuran diba."

"Kaya nga, ikaw ba? Anong mas gusto mo? Pag usapan ka namin ng hindi mo nalalaman. Sige nga?"sigunda naman ni Lowelle sa sinabi ni Lander.

"Eh bakit ako na lang lagi. Sige nga. Bakit hindi niyo pag usapan si Bryant at Zyrel ngayon at hindi iyong sa akin na lang lagi."

Nagkatinginan ang mga ito dahil sa sinabi ko sabay tingin kay Bryant. At ang mga bwesit kong mga kaibigan, sabay sabay na napakamot pa ng ulo ng ismiran sila ni Bryant. Mga gago din ito eh. Hindi sila takot na parusahan ko pero sa isang tingin pa lang ni Bryant tumitiklop na sila. Damn them. Nasan ang hustisya sa pagkakaibigan namin.

"Huwag na nating isali sina Bryant sa usapan."si Harold na halata na iniiwasan nga talagang mapatingin kay Bryant.

"Ewan ko sa inyo. Magsama sama kayo." Sabay talikod sa kanila.

"Hey! Saan ka pupunta?"habol na tanong ni Bryant sa akin.

"Sa impyerno, iyong hindi ko kayo nakikita." sagot ko dito.

"Hahah! Doon din ang punta namin eh. Sabay sabay na lang tayo." pahabol naman na sagot ni Lander na sinabayan naman ng tawa ng iba.

Grrr! Kagigil sila. Nahahalata tuloy na mas takot sila sa galit ni Bryant kaysa sa galit ko. Damn them again.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon