#13: Brix

11.8K 483 40
                                    

Natatawa ako habang pinapanuod ko si Bryant kung paano niya kulitin si Zyrel.

Oo! Nagpalagay si Bryant ng HC sa mismong classroom ni Zyrel para daw lagi niya itong makita at mapagmasdan kung busy siya at hindi mapuntahan. At ang hindi niya alam. Pinakialam namin ang computer niya kong saan pa naka connect ang HC niya maliban sa phone niya.

Alam kung makulit si Bryant pero hindi ko alam na mas may ikukulit pa pala siya at ngayon ko lang nakita ang side na ito ni Bryant. Wala na ang seryusong mukha kapag kaharap ng ibang tao. Maliban sa amin na barkada niya at mga magulang namin ay hindi na ito nangingiti sa iba.

Pero ngayon, hindi ko mapigilan ang mailing habang punapanuod siya kung paano siya mangulit kay Zyrel na halata naman sa isa na naasar na sa kanya.

"Poor Bryant!" Si Harold ng makita kung paano ipalo ni Zyrel ang notebook nito sa kanya.

Akala nga namin ay magagalit ito dahil wala ni sino man ang nangangahas kahit isa man sa amin ang ginawa ngayon ni Zyrel sa kanya dahil ayaw namin na makatikim ng bigat ng kamao nito. Kung gaano kasungit at kaseryoso ang bweset na Clent na yon ay ganun din si Bryant. Ang kaibahan lang nila ay parang may sariling mundo si Clent dahil hindi siya malapit sa amin hindi gaya ni Bryant na nakakabiruan namin.

Pero nabigo kami habang hinihintay na bigwasan niya si Zyrel bagkus halos masamid kami kahit hindi naman kami umiinom dahil ang lintik na Bryant.

What a puppy eyes is that?

Kaya naman tawa kami ng tawa na pinapanood ito.

"Langya, si Bryant pa ba iyan."natatawang tanong ni David.

"Sinasaniban na yata siya ng anghel eh. Di ko alam may ganyan palang itinatago si Bryant."dagdag pa ni Lowelle.

"Haha! Sinabi mo pa. Naku! Makuha nga ang copy nito ng maipakita ko sa iba."natatawang dagdag naman ni Harold.

"Gago talaga kayo. Nakialam na nga tayo sa computer niya. Nanakawan niyo pa ng vedio. Malaman niya yan tiyak na mas higit pa ang gagawin sa parusang ipinataw ko sa inyo."sabad ko sa mga ito.

"Naku! Ipinaalala mo pa Brix. Kinikilabutan na nga kami pakag naalala ang ginawa mo sa amin. Pero."pabitin na sagot ni Harold saka sinabayan ng ngisi. "Ano? Masarab ba?"

"Gago ka! Baka gusto kong ingudngud ko sa mukha mp itong kamao ko."gigil na binigwasan ko ito pero agad naman na nakalayo.

Tawa lang ito at nakisabay narin si Lowelle sa kanya.

Sarap pagbuholbuhulin ang apat eh.

"Hindi mo man aminin sa amin, alam naman namin na nagugustuhan mo na. Naku Brix, lubos lubusin mo na. Baka mamaya niyan, magsawa din si Clent dyan sa alaga mo at mag hanap ng iba. Sige ka."sabi pa ni David.

"Di maghanap siya ng iba. Ako ba ang mawawalan. Huh! Mas maganda pa nga."sagot ko dito saka ko sinabayan ng tayo. "Hala, pagkatapos niyo diyan, siguraduhin niyong nakabalik sa dati iyan. Dahil kung hindi lagot kayo kay Bryant."sabi ko saka ko na sila tinalikuran.

Bakit nakaramdam ako ng pagkainis sa sinabi ni David. Pakialam ko kung pagsawaan ni Clent ang alaga ko. Mabuti nga iyon gaya ng sabi ko sa kanila. At ng mawalan ako ng problema sa kanya. At hindi na niya ako kinukulit pa at hindi lang kulit dahil halos manipulahin na niya ako simula ng pinatulan ko ang gusto niya.

Ewan ko sa taong iyon. Ang dami dami naman namin pero bakit ba ako ang pinagdidiskitahan niya.

Hindi naman kami halos nagkikita at hindi halos mag cross ang landas namin pero bakit ako pa ang nakita niya at gusto pumasok sa ano niya.

Damn him!

Pero kapag iniisip ko kung ano ang sarap habang nasa loob niya ako ay napapangiti ako. Itanggi ko man iyon sa harap ng iba pero hindi ko kayang ipagkaila mismo sa sarili ko na masarap nga ang angkinin siya.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon