#25: Brix

8.7K 386 56
                                    

Palakad ako sa covered walk patungo sa department namin ng matanawan ko na makakasalubong ko si Clent.

Kahapon ko pa naiisip kong paano ko aalamin kung anong pinag awayan nila ng papa niya pero kapag tinanong ko naman sa kanya iyon ng deretso ay baka makasama iyon kay Sofia.

Palapit na palapit na siya sa akin ng may sumalubong sa kanya sa daraanan niya. Si Brent.

Well, lagi naman sila talaga ang magkasama sa tuwing nakakasalamuha ang landas namin noon wala pang namamagitan sa amin. At sa aming magkakaibigan ay sila talga ang malapit sa isa't isa. Hindi gaya ni Bryant kapag nagkakasalamuha ang landas nila at sa akin.

"Hey! Kumusta?"tanong ni Brent sa akin ng pasalubong na sila sa dadaanan ko.

"Ok lang. Saan ang punta natin?"tanong ko sa kanya at bahagyang napatingin ako sa kanya na nakatingin din sa gawi ko pero parang tagos naman iyon sa akin na para bang wala lang ako sa harapan niya.

"Nagyaya kasi itong si Clent na uminom. Gusto mo bang sumama?"aya nito sa akin.

"May klase pa ako eh. Ikaw ba?wala ka na bang klase?"

"Sino sa amin? Kung ako,wala na. Itong si Clent mayroon pa yata. Tama ba ako?"sabay baling sa kanya.

"Yeah!."matipid na sagot niya. "Mauuna na ako. Sumunod ka na lang. Baka naghihintay na din ang iba kong inimbitahan para uminom."dagdag pa niya saka sinabayan na ng lakad palayo at ni hindi na siya lumingon pa sa amin.

"Anong problema non?"hindi ko mapigilang tanungin ito. Baka may alam siya kung bakit nag away sila ni tito Clemente.

"Hindi ko din alam eh. Kahapon pa iyan. Nakita ko nga kanina ng mag practice kami ng swimming na hindi lang sa mukha niya may pasa. Pati nga sa braso at katawan eh. Ang sabi niya napaaway din siya ng araw ng pagkatay natin sa mga taong nagtangka kay Zyrel."

Napatango na lang ako at hindi ko mapigilan ang sarili na tapunan ng tingin ang kotse nito sa di kalayuan.

"Sige,mauuna na ako. Kapag gusto mong sumunod sa amin mamaya, i text mo lang ako para masabi ko sayo kung saan kami. Wala pa kasing sinabi si Clent kung saan kami iinum eh."

"Sige." Sinabayan ko ng bahagyang pagkaway ito habang palayo sa akin habang nakatuon ang pansin ko sa kotse ni Clent. Natanawan ko na bumaba ang salamin ng bintana niya at dumungaw doon si Brent. Ewan kong ano ang pinag usapan nila ng muling isara ni Clent iyon saka naman nagtungo si Brent sa sarili nitong kotse. Saka magkasunod sila na umalis.

Ako man ay nagpatuloy sa paglalakad papasok sa department namin. At habang nasa klase ako ay nandoon na sa isip ko kung susunod ba ako sa kanila gaya ng sabi ni Brent o hindi na.

*****
*****

Hindi na ako nagdalawang isip na i text si Brent ng matapos ang klase ko na ngayon ay palabas na ako ng AU at tanungin sa kanya kong saan sila nag inumam na agad naman na nag reply sa akin.

Kaya ngayon ay bagtas ko ang daan na patungo sa GH Karaoke Bar kung saan sila ngayon. It took me 20 mins para makarating doon at naabutan ko na nga sila na nag sasaya at nagkakantahan na ang iba sa kanila na halata na medyo tinamaan na ng nainom.

"Halika, akala ko hindi ka na darating. Eh halos sampung minuto lang naman ang papunta rito kapag galing ka sa AU."salubong sa akin ni Brent ng makalapit ako sa kanila.

"May dinaanan pa kasi ako."sagot ko na kahit ang totoo ay medyo nagdalawanh isip ako kanina kung susunod ba ako talaga sa kanila. Napatingin ako kay Clent na wala paring imik na umiinom lang habang nanunuod sa mga kasama na nagkakantahan.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon