#16: Bryant

11.2K 459 36
                                    

"Salamat!" Nakangiting nakikipagkamay si Zyrel sa mga kinakumpintinsya niya sa pagpipinta ng batiin siya ng mga ito dahil sa pakapanalo niya habang nakamasid lang ako sa hindi kalayuan.

Pinanigan lahat ng mga husgado ang gawa niya maliban sa bwesit na Clent na iyon na halata na sinadya niya iyon dahil nakita ko siyang nakangising nakatingin ito sa akin. Ang sarap tuloy hamunin ng suntukan. Mabuti na lang at sa pito pang mga humusga sa mga gawa ng kalahok at nagandahan talaga sa gawa niya. Kaya naman naging panatag ang loob ko.

Ang balak ko talaga ay kausapin ang mga ito para sabihing ang ipininta ni Zyrel ang iboboto nila pero hindi ko na ginawa dahil may tiwala ako sa kakayahan ng kamay niya. And yes, he won. 7 out of eight ay sa kanya pumanig.

"Pwede bang sa susunod kami naman ang pananalunin mo Zyrel. Wala ka talagang kupas eh."sabi ng isa sa babaeng kalahok na halatang nagpapa cute pa sa kanya.

Ngumiti ito. "Hindi ko sigurado ang bagay na iyan. Galingan na lang natin ulit sa susunod." sagot naman niya dito. At bigla akong nainis dahil nagagawa niyang ngitian ang mga ito habang ako ay di man lang niya magawang ngitian kahit minsan.

Hmmp! Makikita ng mga taong nakapaligid sa kanya na dapat lang ay sa akin ang mga ngiting iyon. At sa akin lang dapat nakatitig ang mga matang mayroon siya. Dahil kung hindi, buburahin ko at aalisin ko sa AU ang bawat ngitian at tignan niya kapag hindi niya ako magawang ngitian.

"Alam naman na wala na kaming pamana sayo. Tatlong kumpitisyon na kaya ang sinalihan natin pero ikaw parin ang nananalo." sabi pa naman ng isa at may pahawak hawak pa itong nalalaman sa kaliwang braso niya. At mas nainis ako dahil hindi ito babae kundi isa ding matikas na lalaki gaya ko. Pero syempre mas matikas ako dito kaya naman hindi ko na mapigilan ang hindi lumapit.

At bago pa man ako nakalapit sa baby Zyrel ko ay naunang lumapit dito si Clent na ikinagulat ng lahat kaya naman napaatras ang iba at halatang nagtago sa likuran ni Zyrel.

"Your painting was nice. And I like it. And sorry for the wrong vote." Nakangiti ngayong sabi nito sa kanya kaya naman nakipagsukatan siya ng tingin at inaarok kung gaano iyon katotoo.

"Ok lang, tanggap ko naman na hindi lahat ay nagagandahan sa gawa ko. Tapos na. Hindi mo kailangang magpaliwanag."seryusong sagot naman ng baby Zyrel ko. At talaga naman na wala akong makitang takot sa kanya hindi katulad ng iba na ngayon ay bahag na ang buntot at wala ng kaimik imik pa.

"Haha! Haha! I like you. I really like you now."natatawa pang sabi ni Clent sabay akbay sa kanya. At bakit may paakbay akbay pa itong nalalaman. Anong gusto niyang ipahiwatid doon?

"Hey!."sabay tapik ng braso nito na nasa balikat ni Zyrel kaya naman napatingin ito sa akin.

"Oh! Bryant nandyan ka pala. Alam mo, nagandahan ako sa gawa ni Zyrel pero mas nagagandahan ako sa kanya. Kaya naman hindi ako naka fucos kanina sa painting niya dahil sa kanya ako nakatingin."nakakalukong saad nito at talagang hindi pa inaalis ang braso sa balikat ng baby Zyrel ko kahit pilit naman na inaalis niya ito.

Anong pakulo niya ngayon? Ang akala ko ba ay  bottom ito ni Brix pero sa paraan ng titig niya kay Zyrel ay iba ang ibig nitong ipahiwatig.

"Take off you hand on him Clent. I warn you."seryusong utos ko sa kanya pero hindi ito natinag sa tinging ipinukol ko dito.

"Relax Bryant, madami pa tayong bisita. Kung magwawala ka sa harapan nila, sige ka. Baka mablack list ang AU sa gagawin mo."kampante paring sagot nito sa sinabi ko.

Wala akong pakialam sa iba. Ang hindi ko matagalan ay ang pagkakaakbay ni Clent sa kanya at may kasama pang pisil sa mga balikat nito pero bago pa ako makakilos para bigyan ito kung ano ang nararapat sa kapangahasang hawakan ang pag mamay ari ko ay kumilos si Zyrel para alisin ang kamay nito sa balikat niya at gaya ng ginawa niya sa akin noong sa canteen ng halikan ko siya ay sinuntok niya ito ng walang pasabi kaya naman nabigla si Clent dahil doon.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon