#23: Clent

10.1K 406 85
                                    

Dedicated to:
TABZ77 & lukehereitsmatt
*****
TY for the endless vote to
Falli'n Inlove With My Wife Brother
*****
RonaldEstera
*****
For the endless votes to
My Beautifull Husband
*****
Love lots guys!
Hindi ko man kayo mapangalanan lahat sana po patuloy parin kayong sumuporta sa akin.
And hoping for more votes from you all.

*****

*****

"Anong itong nababalitaan namin Clent?"tanong ng papa sa akin ng magsalo salo kami ng gabing iyon dahil kadarating ni Sofia kaya naman lahat kami ay nagtipon tipon.

"Ang alin papa?"kalmanteng tanong ko dito na kahit alam ko na ang tinutukoy nito.

"Lets talk about it later, and I need an explanation about it."seryuso nitong sabi sa akin bago bumaling kay Sofia. "And you young girl, you must bahave your self. Kadarating mo pa lang si Brix na agad ang pinuntahan mo. Baka gusto mo na namang maipatapon sa US."galit din na sita nito dito.

"Dad, I just miss Brix. And he is my fiance by the way."sagot naman nito.

"Yeah! Your right. Pero hindi ibig sabihin non ay itatapon mo na lang ang sarili mo sa kanya. Kaya umayos ka."may galit na dagdag sermon ng papa.

Lihim akong napapamura. Kaya ayaw na ayaw ko ng umuuwi sa bahay dahil dito. He always manipulate us.

Siya lagi ang nasusunod. Siya lagi ang tama at walang makakabali ng mga gusto nito. Sa bahay siya ang batas. At siya ang batas sa mga buhay namin. Pero hindi ako magpapamanipula sa kanya. Dahil may sarili akong plano sa buhay ko. May sarili akong dignidag.

"Papa naman eh! Kadarating ko lang pero pinapabalik niyo ako agad sa US." nakasimangot na sagot naman ni Sofia kay papa.

"Basta umayos ka Sofia. Ayaw na ayaw kong mababalitaan na mabubuntis ka niya habang hindi pa kayo totally engage."matigas na sabi  naman pa nito.

"Di mas maganda iyon papa. Hehe! Para sa akin na siya at hindi na siya makakaatras pa." Biro man ang pagkakasabi ni Sofia doon ay hindi ko mapigilan ang hindi mag react. Padabog na tumayo ako sa hapag kainan dahilan para pagtinginan nila akong lahat.

"Hijo, anong problema."si mama na ngayon ay nagawa ng magsalita. Kahit ito ay walang magagawa kapag si papa ang nagsalita. She also under at my father's law.

"Nawalan ako ng ganang kumain mama, papanhik lang ako sa silid ko."sabi ko dito saka ko sinabayan ng talikod.

"Go back to your set Clent, don't make me repeat my word." Buong tigas na utos ng papa sa akin pero tinapunan ko lang siya ng seryusong tingin.

"Sorry papa, even if you repeat it, hindi ako babalik sa upuan ko. You heard me, nawalan na ako ng gana."seryuso ko ding sagot dito saka ako nagtuloy sa paglalakad palayo sa kanila.

Kahit ilang ulit na tinawag ako sa pangalan ng papa ay hindi na ako lumingon pa.

"You bastard."iyon pa ang huling narinig ko dito na agad naman na pinakalma ng mama.

Bahala silang magsama sama. Hindi ako magpapamanipula sa kanya.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko ng marating ko ang silid ko. Saka patalon na padapang nahiga sa kama ko.

What a life I have? Mayaman nga kami pero limitado naman ang kilos kapag nasa paligid ang papa.

Damn you old man.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon