#40: Zyrel

7.9K 334 27
                                    

Typo and grammatical error ahead!!


# 40_Zyrel



Hindi na ako humiwalay sa kanya simula ng dumating siya. Hindi man talaga ako talagang hostage gaya ng mga napapanuod ko sa action movies ay nakakailang parin dahil napapalibutan kami ng mga hapon na mga tauhan ng tunay niyang ama.

"Huwag kang matakot baby." Bulong niya sa akin habang nakaupo kami sa backseat ng kotseng minamaneho ng kanang kamay ng ama niya. Papunta kami ngayon sa kung nasaan ang ama niya na ngayon ay nasa isa sa safe house nito. "Hindi ko hahayaang mapahamak ka."

"I know." Naiyakap ko ang kamay ko sa braso niya habang nakasandal na ang ulo ko sa balikat niya. I don't care kahit na nakatingin na sa amin sa rear mirror ang nasa harapan.

Humaplos naman ang isang kamay niya sa pisngi ko saka padamping humalik sa nuo ko.

Ganun ang ayos namin hanggang sa marating namin ang safehouse na sinasabi nila. At kung gaano karami ang mga tauhan sa bahay na pinaglagihan ko ay mas dumoble pa yata ang rami nila dito.

Nakahawak ako sa braso niya habang magkakaagapay kaming pumasok sa malaking bahay.

Hindi ko mapigilan ang mapalinga sa paligid dahil sa lawak ng lupang kinatitirikan ng bahay at ang ganda pa ng paligid.

"Ohayōgozaimasu wakai jōshi. Kangei shite kudasai." Salubong sa amin ng isang lalaki na halata na isa sa nakakataas sa mga tauhang nakapaligid sa bahay na sinabayan ng bahagyang pagyuko.

Sinabi ng babae na nagsalin sa salitang tagalog na magandang umaga young boss. Welcome, please come in.

Tumango na lang siya habang ako ay nakahak sa braso niya at sumunod sa bawat hakbang niya papasok na sa malaking bahay.

"I want to see him now, para makauwi na kami sa pilipinas." Sabi niya ng tumigil siya sa paglalakad ng marating namin ang maluwang na living room ng bahay.

At gaya kanina isinalin din ng babae ang sinabi niya at kinausap din siya nito.

Bawat salita nila ay nasasalin ng babae kaya naman nagkaintindihan sila.

Sinabi pa daw ng lalaki na dapat masanay na kami sa salita nila dahil dito na daw kami titira at ang bahay na kinatatayuan namin ay nakapangalan na mismo sa kanya.

"I don't need anything from him. All I want is a peaceful life kasama ng bubuuin kong pamilya." Sabi niya dito.

Pero hindi na siya nito pinakinggan at nagpasabi na sundan na lang namin daw ito para daw makita na ang kanyang ama.

Umakyat kami sa ikalawang palapag kung saan ang silid ng ama niya. At naabutan namin na ang tunay niyang ama ay nakaratay na sa kama na nakabitan ng ibat ibang maliliit na pipe sa katawan.

"Nasa masamang kundisyon na ang iyong ama." Sabi ng babae na kumakausap sa amin habang nagsasalita ang lalaki sa salita nila. "At tinaningan na ang buhay niya dahil hindi na kaya ng katawan niya. Ikaw na lang ang hinihintay niya para tuluyang magpahinga." Pagpapatuloy nito.

Napatingin naman kami sa ama niya. Na ngayon ay nakamulat na ang mga mata at pilit na tumitingin sa gawi namin kung saan kami nakatayo.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon