#30: Zyrel

9.1K 378 15
                                    

Dedicated to:
BernardSolomon , CharlesTaeza, BenchPaloa, & PreciousHernandez6
*****
For the endless votes.
*****
LoveLots
*****
*****

Over acting????

Siguro nga. Iyon ang ginagawa ko ngayon dahil nagseselos ako ng walang kada kadahilanan kapag nakikita kong may ibang kinakausap si Bryant.

Hindi naman kasi niya ako masisisi dahil kitang kita naman sa mga bwisit na mga babae na paglalandi lang ang nais kapag lalapitan siya.

Ewan ko lang kong hindi siya mainis sa akin sa ka praningan ko sa pagseselos ko. Basta hanggat may kami ay walang sino man ang pwedeng manlandi sa kanya.

"Baby, anong iniisip mo?"tanong niya sa akin ng lapitan ako sa may balcony ng hotel na inukupa namin. Tanaw ang dagat at napakagandang pagmasdan.

Nilingon ko siya kaya naman lumapit na siya sa akin at niyakap ako mula sa likuran at isinandal ang baba sa balikat ko.

"Are you mad at me?"tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi mapigilang tanungin. Baka kasi naiinis na din siya sa akin sa pagka OA ko sa pagseselos. Hindi na nga ako nagpapagalaw sa kanya kung hindi ako kuntento sa paglalambing niya sa akin. Pero syempre bumibigay din ako dahil nadadala ako sa mga sweet talk niya. Sa gaan ng haplos niya. Sa sarap ng halik niya.

"For what reason baby?"balik tanong naman niya sa akin sabay halik sa pisngi ko. Humuhaplos pa niya ang palad sa tiyan ko at binibigyan ng mumuntik kagat sa balikat ko.

"Sa pag seselos ko."

"Nope." Mabilis niya ng sagot at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ako man ay napapakagat ng ibabang labi ko dahil sa kiliti at bahagyang sakit sa pagkagat sa akin. "Ilang beses mo ng tinanong sa akin iyan diba. At kahit ilang beses man palaging hindi ang sagot ko baby. And I love you for being jealous. Your so cute."

"Mmm! Talaga? Hindi ka maiinis?" Parang batang tanong ko na sinabayan ko pa talaga ng pasimangot. Pero ang kamay ko naman ay umangat at humaplos naman sa pisngi niya.

"Yes baby. I won't." Bulong niya. "Kaya huwag kang masyadong mag isip diyan. Magbihis ka na, para makapasyal tayo at makabili ng pwede nating ipasalubong sa mga kapatid at mama mo. Pati na rin kina Brix. Siguradong maghahanap ang mga iyon ng pasalubong galing dito. At kapag hindi ka pa kumilos diyan, baka hindi na tayo makalabas at sosolohin na lang kita maghapon, magdamag hanggang sa pauwi na tayo."

"Hmp! As if naman hindi ka mapapagod."

"Haha, bakit hindi natin subukan."

"Sige na magbibihis na ako. Sandali lang naman ako magbibihis eh."

"Go baby. Para makarami tayo. Pauwi na tayo bukas eh."

Tumango ako saka ko siya hinarap. Napasandal ako sa barrier ng balcony at ang iniharang naman ang kamay niya doon.

"I love you baby." Nakangiting bulong niya sa akin saka padamping hinalikan sa labi.

"I love you too."sagot ko saka naman ako yumakap sa kanya.

Sana lagi kaming ganito. Hindi matatapos ang mga sweet talk sa pagitan namin at sana hindi siya magsawa.

Kumilos na ako para kumawala sa yakap sa kanya at tinungo nga ang damitan namin at nagbihis. Hanggang sa lumabas na kami at pinagsawa na naman namin ang sarili sa pamamasyal at pamimili ng pwedeng bilhin at ipasalubong sa mga kaibigan niya at kapatid ko pag uwi namin.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon