#14: Zyrel

11K 479 38
                                    

"Ma! Narito na po ako."tawag ko kay mama ng makapasok ako sa bahay habang nakasunod parin sa akin si Bryant.

Ayaw ko man sana siyang papasukin pero nagdrama pa ang luko. Keso daw hindi ko man lang daw ba siya yayain na pumasok at magmeryenda. Keso daw, kahit tubig man lang daw sana.

Kaya heto. Nakasunod ang luko at ngingiti ngiti pang sumusunod sa akin na halos dalawang dangkal lang yata ang layo mula sa likod ko.

"Pwede ba lumayo ka nga. Naaalidbadbaran ako sayo."naiinis na sita ko sa kanya pero mas lumapit pa ang luko. Kulang na lang ay magdikit talaga ang katawan namin sa lapit niya sa akin.

"Kumusta ang pag aaral mo?"tanong ng mama sa akin ng salubungin ako saka ako humalik sa pisngi nito hanggang sa pansin ng mama si Bryant sa may likuran ko.

"Kumusta po."magalang na pagbati naman niya.

"May kasama ka pala. Halika ka hijo pasok ka."aya naman ng mama sa kanya na agad naman na tumalima at nauna na bgang pumasok sa akin. "Maupo ko hijo. At ipaghahanda ko kayo ni Z ng meryenda." sabi pa ng mama at agad namang sumunod na hindi na mawala wala ang ngiti niya sa labi habang nakatingin sa akin na parang sinasabing see your mom like me for you

Kaloka. Iyon ba ang ibig sabihin ng ngiti niyang iyon?

Busit kung ano ano tuloy ang napapansin ko sa ngiti niya. Lagyan ko kaya ng packing tape ang bibig niya para hindi na siya makangiti.

"Kaklase mo ba siya Z?"tanong ng mama ng sundan ko siya sa kusina.

"Hindi po mama, sinior po sa kabilang department. Nag alok pong samahan akong kunin ang ipinaframe kong gawa ko at nag insist na rin pong ihatid ako."

"Ganun ba."sabay tango si mama. "Mukha naman siyang mabait. At saka parang hindi siya ordinaryong tao lang. Mayaman ba ang bago mong kaibigan Z.?"

"Eh! Isa po siya sa anak ng founder ng pinapasukan ko mama. At isa siya sa mga nagpapatupad ng batas doon."

"Hala sige, puntahan mo ang bisita mo at bakit ka sumunod dito at iniwan siya doong mag isa."

"Sige po mama, pero huwag kayong maniniwala sa kanya kung may ikinuwento man siyang hindi kapanipaniwala."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ah! Wala mama. Basta ganun na lang. Sige mama. Aakyat lang ako at magbibihis muna."

"Sige."

Saka ko nga siya binalikan at abala na ngayon ang mga mata niya na pagmasdan ang loob ng bahay.

Hindi naman maliit ang bahay at hindi din naman kalakihan. Iyong sapat lang para sa aming apat. Ang mama at ang tatlo ko pang nakababatang kapatid.

Oo! Ako ang panganay, kaya naman gusto kong makapagtapos ng pag aaral ng nasa top para naman hindi mababaliwala ang pag papaaral sa akin ni mama at may pangako ako sa aking yumaong ama, na magiging sikat na pintor ako. Iyon ang pangarap ko. Iyon ang pangarap namin ng papa.

"Your house is quite small pero malinis."

"Yeah! Malinis si mama sa bahay kaya wala kang makikitang kalat. Diyan ka lang muna at ng makapagbihis ako."sabi ko sa kanya saka ko sinabayan ng talikod paakyat ng silid ko.

Pero hindi ko napansin na sumunod pala ang luko at bago ko pa man maipinid pasara ang pintuan ng silid ko ay nakapasok na siya at pahila niya pa akong papasok sa loob saka inilock ang pinto.

"Anong ginagawa mo."mahina pero may katigasang tanong ko. Gusto ko man itong sigawan ay hindi ko magawa dahil baka marinig ni mama.

Ngumiti lang ito at bago pa man ako makakilos na makawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko ay nahila na niya ako palapit sa kanya saka ako hinalikan sa labi.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon