#41: Bryant, Zyrel, Clent & Brix

16.2K 473 90
                                    

# 41_Bryant, Zyrel, Clent, & Brix





# Bryant POV:

Nakangiti akong pinagmamasdan siya habang nakaupo ako sa isang mataas na stall na tanging mga mata ko na lang ang nagalaw dahil sa pagkurap ko.

Nasa harapan siya naman ng canvas niya at patingin tingin sa akin at sa canvas niya.

Nakasanayan na kasi niya sa tuwing wala na kaming ginagawa pareho ay ako ang gagawin niyang model at iguguhit. At handa naman akong magbehave kahit na mas gusto kong lambingin siya at angkinin ngayon kaysa ang maupo sa stall na kinauupuan ko ngayon.

At napapangiti din naman ako kapag napapatingin siya sa akin at magtatama ang mga mata namin tapos ngingitian niya ako.

Napakakyut niya talaga at habang naktingin ako sa kanya ay gusto ko ng tumayo at pupugin ng halik sa mukha.

"Don't move." Narinig kong sabi niya at kunot na ang nuo niya. Napagalaw pala ako ng hindi ko namamalayan at akma na talaga akong tatayo para lapitan siya.

"Matagal pa ba yan baby. Gusto na kitang halikan." Tanong ko sa kanya at bumalik na sa ayos ko kanina.

"Kaunti na lang ito. Just don't move. Binabago mo kasi ang posisyon mo eh."

"Baby naman, naguhit mo nga ako noon na tumalon ng mag three points ako noong una mo pa lang ako makita. At ngayon, ayaw mo akong pagalawin." Kuway nagrereklamo ako pero hindi naman.

"Hmmp! Basta gusto ko ngayon na hindi ka gumagalaw." Sagot parin niya at muling itinuon ang pansin sa ginagawa.

Ngiwing ngiti ko na lang ang gumuhit sa labi ko saka ako muling inayos na ang ayos ko kanina. Hindi ko naman siya mahindian dahil ipinangako ko sa sarili ko na kung saan siya masaya ay doon ako. At gagawin ko ang lahat para maging masaya siya. Dahil siya ang ligaya ko kapag nakikita ko na masaya na siya.

Mabilis na kasing lumipas ang mga araw buwan at taon simula noonh huling insedenteng dinukot siya ng tunay kong ama at nakapagtapos na ako ng pag aaral at siya naman ay graduating na this school year.

Paminsan minsan at nagtutungo kami ng Japan para tignan ang ibang mga naiwang ng ama ko na mga negosyo na nakapangalan sa akin. At hanggang ngayon ay pinipilit parin akong pamahalaan ang naiwang grupo nito.

Pero hindi ko tatanggapin iyon dahil alam kong magulo at masalimuot ang grupong naiwan ng ama kaya ipinamahala ko ito sa taong pinagkakatiwalaan niya noon pero ako parin naman ang tinuturing nilang boss kahit hindi ako nakikisali sa kanila.

At ang tungkol naman kay mama ay ganun parin. Hindi parin niya tanggap na si Zyrel, ang baby ko ang pinili ko. Peri hindi na gaya noong una na nakakagawa siya ng ikakapanakit nito sa pamilya ng lalaking minamahal ko ngayon dahil bantay sarado na sila ng mga tauhan ni papa na ipinamahagi sa akin kasama ng grupo nito.

At iniiwasan na lang namin na magkros ang landas namin. Siguro nga, hindi pa ito ang tamang panahon para doon na matanggap niya kami at hindi naman kami sumusuko na hilingin na sana maging maayos na ang sa pagitan namin.

"I'm done." Narinig kong sabi niya at bahagya pang nag inat ng napatingin ako sa kanya. Nakangiti na ito na tumayo sa kinauupuan din niya at inilapag ang hawak na paintbrush at mabilis na lumapit sa akin.

Tumayo na din ako at sinalubong siya at agad na niyakap siya ng mahigpit.

"I love you baby." Bulong ko at dinampian ng halik sa kanyang nuo. Mga katagang hindi nakakasawang bigkasin at hindi ako magsasawang bigkasin iyon.

"I love you too." At mga sagot mula sa kanya na hindi ko pagsasawaang pakinggan.

"Patingin ako." Nakangiting kumawala siya ng yakap sa akin. Umakbay pa ako sa kanya habang siya ay nakahawak sa baywang ko na tinungo namin ang ipininta niya. At walang pasidlan ang paghanga ko dahil napakagaling niyang magpinta. "So damn beautiful baby." Hinarap ko pa siya at dinampian ng halik sa labi ng tingalain niya ako na agad naman niyang tinugunan.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon