#35: Clent

9K 347 80
                                    

Nanlulumo akong hindi na nagtuloy sa computer shop na pinag tratrabahuan ko dahil sinabihan ako ni Brent na huwag na muna akong pumunta doon dahil nagbanta daw ang papa na ipapasarado ang nasabing shop.

Damn you papa!

Napapamura na lang ako dahil lahat yata ng tao sa paligid ko ay nadadamay. Alam ko naman na kaya ni papa na pabagsakin ng mga maliliit lang na negosyo at iyon ang isa talaga sa nakakapagpagalit sa akin. Hindi niya ako hinahayaang makapamuhay ng maayos at magbanat ng buto ng hindi nahihirapan. Ano ang gusto niya? Na dito lang ako umasa.

"Akala ko ba papasok ka sa shop ngayon?" Tanong agad sa akin ni Brix ng mapagbuksan ako ng pintuan. May susi naman ako pero tinatamad na akong buksan kaya nag doorbell na lang ako.

"Yeah! Pero sinabihan ako ni Brent na huwag ng pumasok." Labas ilong na sagot ko sa kanya at ng makarating ako sa sala ay pabagsak na naupo ako sa sofa.

"Bakit naman daw?" Muli niyang tanong saka umupo siya sa tabi ko. Kinalas ang necktie ng uniform ko at inalis na iyon ng tuluyan.

"Sabi niya pinagbantaan daw ng papa ang may ari ng shop na iyon na kung hahayaan pa akong pumasok doon ay ipapasarado niya iyon. Kaya para hindi na sila madamay, mas maigi ngang hindi na lang ako pumasok dahil ayaw ko na madamay nga sila sa galit ng papa sa akin."

Marahas na napabuntong hininga siya saka niya isinuklay ang daliri sa buhok ko.

"Mukhang hindi ka hahayaan ni tito na mamuhay ng payapa kasama ako " sabi niya sabay hila sa akin at pinapatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Sinabi mo pa. Kaya ko naman kahit wala ang pera niya. Pero sinasagad niya talaga ako sa puntong susuko ako."may galit na sagot ko.

"Sssh! Okay lang. Isipin mo lang lagi na narito ako sa tabi mo. Kaya huwag kang maglilihim sa akin, dahil tayong dalawa ang magtutulungan sa puntong ito. Kung kaya pa natin, hindi ako lalapit kay papa. Pero kapag sumubra na ang papa mo, huwag mo akong pigilan na labanan siya at humingi ng tulong kay papa." Mahabang lintaya niya. Napatango na lang ako bilang sagot sa kanya.

"Sigurado ka ba na hindi ka bibitaw sa akin?"tanong ko muli sa kanya. Siya kasi iyong tipong ayaw ng nahihirapan.

"Naman Clent. Diba sinabi ko na sayo na magtutulungan tayo. Hindi lang sa sarap, pati din sa hirap." Nakangiti nitong sagot sa akin. Hindi ba nakontento at hinawakan ako sa may baywang at inangat ako kaya naman kumilos ako para gumaan ako kung ano man ang balak niya. Inayos niya ako sa kandungan niya paupo at ipinaharap sa kanya. "At saka alam mo ba, may regalo ako sayo." Nakangiti nitong sabi.

"Ano naman? Diba sabi ko sayo magtipid tayo." Kunot nuo kong tanong sa kanya.

"Haha, oo nga. Nagtitipid nga tayo. Pero hindi naman regalo na materyal na bagay iyon. Kundi ayon oh." Sabay nguso sa likuran ko kaya naman napalingon ako kung ano ang inginunguso niya. Nanlaki ang mga mata ko na muling bumaling sa kanya. "Ano, nagustuhan mo ba? Hahah! Kasi hindi ako kuntento sa nakuha ko sa ATM mo kaya kumuha ako ng kaunti sa isang ATM mo. Kaya hayan. Inilabas ko lahat ng laman."natatawa pa nitong sabi saka mas hinigpitan ang pagkakayapos sa baywang ko.

"Kanina mo lang ba nakuha iyan?" Tanong ko sa kanya at iniharang ko ang kamay ko sa dibdib niya para makalayo ako ng kaunti sa kanya.

"Oo, so. Ano ang balak natin diyan?"

"Ewan ko. Itago na lang natin dito sa bahay."

"Eh! Baka makapag isip ang papa mo at ipahalughog ang bahay. Makuha pa lahat iyan. Kung desperado na ang papa mo na paghiwalayin tayo, malamang magagawa niya iyon."

"Tama ka. So anong gagawin natin diyan?"

"Ipapahawak ko na lang kay papa. Madami dami din kasi iyan. Para mas safe at hindi natin inaalala na mawawala iyan."

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon