#34: Brix

9.4K 329 49
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Halatang nagulat siya  ng nakita ako mismo sa Club na pinagtratrabhuan niya. Dahil nauna akong dumating sa kanya sa tamang oras na magtratrabaho na siya. Kaya naman halos hindi niya maalis ang tingin sa akin dahil nakabihis din ako ng gaya ng suot niya bilang isang waiter sa club na iyon.

"Hindi mo ba nakikita, I'm working. Bakit hindi ka pa kumilos diyan baka masita tayo ng boss natin at mapatalsik tayong dalawa sa trabaho." Nalangiti kong sagot sa kanya. Pero bago pa man siya makabawi ng tuluyan sa pagkabigla ay nilapitan ko siya at palihim na hinawakan ang gitna niya saka ko siya binulungan. "Don't let other touch you there. Or else I will get into trouble." Saka ako nakangiting lumayo sa kanya at agad na pinuntahan ang grupo sa isang lamesa at hiningi ang order nila para makapagsimula na ako.

Kung ito lang ang paraan para matulungan ko siya at hindi na niya kailangang maglihim sa akin na kung ano man ang pinagkakaabalahan niya. Dahil alam ko, kaya niya hindi iyon sinabi sa akin ay ayaw niya na madamay ako sa mga alalahanin niya. Na ayaw niyang direct na himingi ng tulong sa akin. At saka madali naman ang trabahong ito, kumpara sa maghapong nakaupo sa opisina at magbasa ng sangkatutak na papel na halos hindi na naiintindihan sa dami. Pero maliit nga lang ang sahod dito kumpara doon. But at least may kinikita.

"Wait for your order sir." Nakangiti pa akong nagpaalam sa mga ito para kunin ang mga order nila, pero halata na napapatingin siya sa akin habang nag tratrabaho na. Hanggang sa muli akong natapat sa gawi niya.

"What the hell are you doing?" Pabulong na halata naman na may paninita sa kataga niya.

"Just work Honey. Nagtratrabaho ako." Sagot ko na lang sa kanya saka nagpatuloy sa pagkuha ng mga order ng costumer.

Panaka naka na napapatingin siya sa akin sa bawat kilos ko. Sa bawat pag serve ko ng maiinum ng mga nandoon. Pero ipinagwalang bahala ko na lang ang minsan napapatingin siya sa akin na nakairap at parang gusto akong hilain sa labas at pagtatalakan. Pero dahil nasa trabaho kami ay hindi niya nagawa.

Mabilis na lumipas ang dalawang oras ng ship namin pareho. Hanggang sa tuluyan na niya akong sitahin ng nasa locker room na kami para magbihis.

"This is not funny Brix. What are you doing?" Iyon ang unan niyang tanong sa akin at pasadsad na ipinasandal ako sa locker room. "Narito ka ba para ipakita sa akin na walang wala na ako dahil sumama ako sayo. Pagtatawanan mo na ba ako dahil doon."

"You over thinking Hon." Pinagpalit ko ang pwesto namin at siya naman ngayon ang isinandal ko doon. "Hindi ko kailanman inisip iyon, ang pagtawanan ka dahil mas pinili mo ako kaysa sa karangyaan na tinatamasa mo noon." Seryusong sagot ko sa kanya. "Kay huwag mo akong husgaan. Bago ako nakipag usap sa papa mo noon ay una kong kinausap ang papa ko. At alam ko na sa pakikipag usap ko sa kanya ay alam na niya ang ibig kong sabihin. Hindi kasing kitid ng utak ng papa mo ang utak ng papa. Kaya hindi hahadlang ang papa sa akin sa kung sino ang gugustuhin kong makasama sa buhay. Kaya huwag mo akong sabihan ng ganya Clent Fransisco, dahil ng kinausap ko ang papa mo ay buo na ang disesyon ko, na sa ayaw at sa gusto niya. Akin ka, at alam kong magiging akin ka lang." Sabi ko sa kanya ng pagkahaba haba.

Napansin ko na natigilan siya dahil sa mga sinabi ko. Pero iyon ang totoo. Kung hahadlang ang papa niya sa relasyon namin handa akong makipagtulungan sa kanya. Ang ikinaiinis ko lang sa kanya ay parang gusto niyang suluhin ang hirap.

"At alam kong kaya hindi mo sinabi sa akin ang mga ito dahil ayaw mong tulungan kita. Iniisip mo ba na kakaawaan kita? Honey," bulong ko sako ko siya dinampian ng halik sa labi. "Hiwag mong suluhin ang hirap, kung pinagsasaluhan natin ang sarap, dapat ganun din ang hirap. Kaya huwag ka ng maraming tanong diyan. Magbihis na tayo para makauwi na tayo at ng makarami." Dinagdagan ko ng biro iyon para naman kahit papaano mawala ang ang pagkakakunot ng nuo niya.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon