#7: Brix

13.1K 559 43
                                    

"Putang ina niyo. Mga gago. Pakawalan niyo ako."pilit akong nagpupumiglas para makawala ako sa pag kakatali nila sa akin. At parang nagtatagumpay naman ako dahil naramdaman ko na medyo lumuwang na ang pagkakabuhol ng tali sa kamay ko.

Tinawanan lang nina Lowelle ang pagsigaw ko at paulit ulit na pagmumura sa kanila. Nakangisi pa ang mga gago na tumingin sa akin.

Makikita nila. Makakawala lang ako sa pagkakatali ko. Lintik lang ang walang ganti.

Pero habang palapit kami ng palapit sa unit ni Clent ay kinakabahan ako na hindi ko mawari. Damn it. Balak ba talaga nila akong ibigay kay Clent ng wala man lang kalaban laban.

Damn them again.

"Ano ba Harold. Pakawala niyo ako. Mga gago talaga kayo. Tangna naman. Hindi nakakatawa ang biro niyong ito."halos magilitan na yata ako ng ugat sa leeg sa pagsigaw ko pero wala parin dahil hindi parin nila ako pinansin.

"Relax Brix. Ikaw naman. Ibibigay ka lang namin kay Clent para magkaayos na kayo. Lagi kasi kayong nga aaway eh."si David ang sumagot sa akin at ang luko iba ang ngiti niya. Hindi ngiti kundi ngisi at makahulugang tumingin sa akin.

"Gago ka. Huwag mo akong tignan ng ganyan David."sigaw ko. Kung wala lang talagang tali ang kamay ko ay kanina pa may kalalagyan ang mga ito.

Nalingat lang ako kanina kaya nagupo nila ako na hindi naman nila nagagawa sa akin dati. Pero ang hindi ko naman inaasahan na gagawin nila ay ito. Ang itali ako at ireregalo daw kay Clent.

Ahhhh! Damn them again. Damn! Damn! Damn!

Pero wala naman akong magawa. Putang ina nila. Makakaganti din ako sa kanila.

"Narito na tayo. Hindi kaya tayo sitahin ng guard kapag nakita nilang nakagapos si Brix. Baka tumawag pa sila ng pulis eh."nag aalangan na bumaba si Harold saka siya tumingin sa akin.

"Tangna, pakawalan niyo na kasi ako."

"Sandali lang Brix. Si Clent na lang ang bahalang magpakawala sayo mamaya."sagot naman ni Lowelle sa akin. "Kaya hiwag ka ng sumigaw diyan."

"Gago. Paanong hindi ako sisigaw. Walang hiya kayo. Makikita niyo. Babalikan ko kayo kapag nakawala ako dito."

"Haha! Bago ka pa makawala diyan Brix. Hindi mo na kami mahahabol dahil si Clent na mismo ang maggagapos sayo."natatawang sagot naman ni Kartlon.

"Tawagan mo si Clent at sabihin mong narito tayo sa baba ng gusali kung saan ang unit niya."si David.

"Sandali!"tumalima naman si Harold para tawagan si Clent at agad naman na sumagot ito. "Narito na kami sa baba. Hindi kami makapasok. Baka masita kami ng gwardya dito sa baba."

"Tumuloy lang kayo. Nasabihan ko na ang mga iyan."sagot naman nito at agad na naman binabaan ang mga ito ng tawag.

"Walang modo talaga ang isang iyon. Sarap ding itali eh."si Harold na naiinis sa pangalawang beses na binabaan siya ni Clent ng tawag.

"Tara na nga."hinawakan ako nina Harold at Lowelle habang nauna namang naglakad sina David at Kartlon. Hindi nga nila kami sinita.

"Hoy! Tulungan mo ako. Putang ina kang gwardya ka. Babalikan kita kapag hindi mo ako tinulungan."sigaw ko sa gwardya pero parang wala itong nakita.

Damn you Clent! Bakit nga ba ako nag aabalang magpatulong sa mga gwardya kung alam ko naman na pag mamay ari nila Clent ang gusaling ito. Kaya sa kanya sila papanig.

Pilit parin akong nagpupumiglas pero hindi nila ako hinayaang makawala hanggang sa tuluyan na naming marating ang unit ni Clent na agad kaming pinagbuksan ng pinto.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon