#11: Bryant

11.1K 479 36
                                    

Napangiti ako ng makita kung ano ang reaksyon ni Zyrel sa ipinakita ko. Ang kaninang pagwawala niya para makawala sa akin kanina ay biglang nawala at napalitan iyon ng pagkamangha.

Kaya naman ang mahigpit na hawak ko sa kamay niya ay unti unting naging maluwang hanggang sa tuluyan ko na siyang binitawan.

"Wow!."unang katagang naringgan ko sa kanya sa halos mahigit yatang isang minuto na nakatingin lang sa harapan niya.

"Do you like it?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Kundi lumapit pa talaga siya doon at binistahang mabuti iyon.

"Am I dreaming?"narinig ko pang tanong niya kaya nilapitan ko din siya.

"Your not baby." Do you like it?"muli kong tanong sa kanya pero hindi parin niya ako sinagot kaya naman bahagyang nainis ako.

Nagagandahan nga siya sa ipinakita ko pero hindi man lang ba niya pupurihin iyon o di kaya naman sagutin ako na nagustuhan iyon.

Kahit tumango man lang sana siya pero wala eh.

"Hey! Do you like it?"bahagyang tumaas ang boses kong tanong sa kanya dahilan para mapatingin siya sa akin at ang kaninang kinang sa mga mata niya sa nakita kanina ay biglang nawala at matalim na naman na nakatingin sa akin. "At bakit na naman? Anong nagawa kong mali at ganyan ka makatingin?" Tanong ko pero sadyang ganun parin saka siya lumayo sa akin.

"Bakit? Saka what is this? Sinira mo ang magandang puno. Hindi mo ba alam na maaring mamatay ang punong iyan dahil sa pinaglalagay mo."bagkus sabi niya sa akin saka sinabayan ng talikod.

"Sinabi mong teretoryo mo ito kaya hindi na ako nagpupunta dito gaya ng sinabi mo noong una tayong nagkita kaya naman sinusunod ko lang ang sinabi mo. Kaya pwede ba. Kung ang paglapit mo sa akin ay isa lamang paraan para hindi na ako pumunta dito ay makakaasa ka. Hindi na ako magagawi dito. At kung wala kang matinong gagawin. At wala kang magawa sa buhay huwag ako ang pagdiskitahan mo."mahaba habang lintaya niya saka niya sinabayan ng talikod palayo sa akin.

"Sandali nga."pigil ko sa kanya sabay hawak ng braso niya.

"Ano?"matalim ang tinging tanong niya sa akin.

"Iiwan mo na lang ba ang boyfriend mo ng ganito. Aba- pinagisipan ko iyan ng mabuti para iregalo ko sayo sa unang araw natin."gigil na sabi ko sa kanya. "Halos over time na iyong mga inutusan ko para agad na matapos iyan at perfect ang pagkakagawa. Tapos hindi mo man lang ako masasalamatan. O di kaya naman purihin man lang. O di kaya naman ngingiti ka sa akin, yayakapin tapos hahalikan at sabihing Thank you, Bryant."mahabang reklamo ko sa kanya.

"Akoy tigilan mo Bryant. Sino bang nagsabi na gumawa ka ng ganitong bagay. At saan mo nakuha ang ideyang boyfriend kita."ramdam ko ang pinipigilang panggigigil niya sa akin at kita ko sa mga kamao niya ang pagkakakiyon ng mga iyon kaya naman naging alerto ako baka dumapo na naman iyon sa pisngi kung nagkataong malingat ako. "At nakakalimutan mo yatang lalaki ako. Kaya hindi ako madadaan sa ganito."

"Yeah! Alam ko. Bakit sinabi ko bang girlfriend kita. Hindi naman diba. Kasi boyfriend din kita."sagot ko sa kanya.

"Hindi ka nakakatawa. At paano kitang naging boyfriend? Dahil kung babae lang ako, hindi ako papatol sayo."

Nangiti ako sa sinabi niya. "Well, kung babae ka, hindi din kita magugustuhan."sagot ko sa kanya na lalo pa yatang nainis sa akin. "Kaya nga nagustuhan kita dahil lalaki ka. At tinatanong mo kung saan ko nakuha ang ideyang tayo na. Well, kasalanan ng matamis mong labi. Kasalan nila dahil nasarapan ako sa kanila. Simula ng matikman ko ang labi mo ay inaangkin na kitang akin. At gusto ko muling tikman ang matamis na labing mayroon ka."nakangiting sagot ko sa kanya na lalo pang nakapagpatalim ng tingin niya sa akin.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon