#1: Zyrel

19.9K 694 29
                                    

Typos and grammatical errors ahead!



"Who are you? Bakit nandito ka sa teretoryo ko?" galit na tinig na nakapagpalingon sa akin pero wala naman akong makitang tao sa paligid.

Pero parang gusto kong mapatalon sa pagkagulat ng may tumalon mismo sa harapan ko galing sa taas ng mataas na puno.

"This is my territory and I won't allow others to come here." may galit na dagdag pa nito na masama ang naging tingin sa akin na kung nakakamatay lamang ang paraan ng pagtitig niya ay kanina pa ako bumulagta sa lupa.

Kunot nuo ko siyang tinignan kaya naman lalong nangunot ang nuo ko ng makilala kung sino ito.

"What are you looking at?" pasinghal na tanong pa nito sa akin kaya napakurap ako at naipilig ko ang aking ulo saka ko binawi ang tingin dito.

Gwapo nga, wala namang kwenta ang ugali. Sa loob loob ko.

Tama nga ang sabi ng iba na batas talaga ang mga salita nito. Katulad ng iba niyang kaibigan. Si Kritine na minsan ng sumasabay sa akin dahil gusto daw makita ang mga gawa ko sa pagguguhit ay isa sa mga kaibigan niya. At ngayon ko lang siya nalapitan ng ganito kalapit.

Mas gwapo pala ito sa malapitan pero syempre hindi naman ako papahuli kung sa hitsura lang ang pag uusapan.

"May sinasabi ka?" pasita pa nitong tanong. "Hindi mo ba kilala kung sino ako?"

"Who are you?" tanong ko nga sa kanya para inisin ito at hindi ko na naisip kung anong pwede nitong gawin sa kapangahasan ko.

Saka ano ba ang nakita ng mga kababaihan dito na halos lumuwa ang mga mata sa kakapantasya sa kanya kung ganito naman ang ugali. Napakaikli ng pasyensya. Akala mo naman hari siya na dapat ay walang mang iistorbo sa pananahimik niya.

"Akala mo naman kung sino?" naibulong ko pa. Ewan ko na lang kung narinig niya.

"May sinasabi ka?"

"Wala akong sinasabi." mabilis kung sagot sa kanya. "Bakit narinig mo ba akong nagsalita. Nakita mo ba na gumalaw ang labi ko. Hindi naman diba." asar na sagot ko dito. Akala mo naman kung sino talaga siya kung makaasta.

Alam ko, isa sa magulang niya ang founder sa AU kaya malakas ang loob nito na mang bully ng walang kalaban laban na estudyanteng gaya ko. Pero hindi ko hahayaang na mabully ako ng isang ito. Saka hindi naman ako lebreng nag aaral sa AU at lalong hinid siya ang nagpapaaral sa akin kaya may karapatan akong sumagot sa kanya. 

"Abat, matapang ka ah. Baka hindi mo kilala ang kinakausap mo ng pabalang." naramdaman ko na mas nag umigting ang galit nito sa pagsagot ko nga sa kanya.

"Hindi naman ako sasagot ng pabalang kung hindi mo sinimulan. At saka, wala akong pakialam kong sino ka man. At walang nakalagay na teretoryo mo ang lugar na ito." muling sagot ko dito.

"Baka gusto mong mapatalsik sa eskwelahang ito. Kaya kung ayaw mong mangyari iyon ay umayos ka." sabay tulak sa akin sa may balikat kaya naman ang canvas na hawak ko ay nahulog sa lupa.

Pupulutin ko na sana iyon ng mabilis niya iyong pinulot. At tila may kung anong tinitignan sa canvas ko.

At mabilis ko naman iyong binawi sa kanya ng maalala ko kung ano ang nakaguhit doon.

"Wala kang karapatang tignan ang canvas ko." at mabilis ko iyong itinago sa likod ko na para bang nanakawin niya iyon.

Hindi agad siya nagsalita pero kunot parin ang nuo niya.

"Just get out of here." muli niyang pagtataboy sa akin pero hindi ko siya pinakinggan bagkus nagtungo ako mismo sa ilalim ng punong tinalunan niya kanina.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon