#32: Clent

9.9K 372 57
                                    

"Sorry po sir pero diclained po ang credit card niyo." Sabi sa akin ng sales lady na pinagbilhan ko ng ilang gamit ko sa pag aaral. "Baka mo may iba pa kayong credit card sir?"

"Ok, try this one." Sabay abot sa kanya ng isa ko pang credit card at kinuha sa kanya ang isa na diclained daw.

"Sorry po sir, pero diclained din po ang isang ito." Sabi nito at ibinalik sa akin iyon.

Nangunot man ang nuo ko ay ibinigay ko pa ang isa pero gaya ng nauna at pangalawa ay diclained din. At pati sarili kong credit card na ipon ko sa mga na sa side line ko ay na diclained din.

Napamura ako ng wala sa oras at ang una kung naisip ay si papa. Kaya naman namura ko din siya sa isipan ko.

"Okay! Ilan ba lahat, cash ko na lang." Sabi ko sa sales lady.

"2398 pesos po lahat sir."

Inabutan ko ito agad ng 2500 para matapos na na agad naman nitong sinuklian at isinilid sa paper bag ang mga gamit na pinamili ko.

Galit man ako na lumabas ng bookstore ay wala na akong magagawa. Kumikilos na ang papa para pahirapan ako. At ayaw kong madamay pati si Brix dahil dito. Ano ang gagawin ko? Alam kung hindi mabubuhay si Brix na wala ang karangyaang tinatamasa. Pero alam ko naman na hindi basta basta makakanti ni papa si Brix dahil lay tito Brandon. Alam kung protektado ni tito si Brix. Pero ang akin ngayon, ako ang dehado dahil declained lahat ng papa ang credit card ko. At kaunti lang ang cash na hawak ko.

"Damn you old man." Napapamura ako habang papunta na sa kung saan naka park ang kotse ko para umuwi na. Kagagaling ko lang sa pinag sidelinan kong trabaho bilang isang computer programing sa isang shop kung saan madalas si Brent na maglaro ng mga online game. Ewan ko ba sa taong iyon. Mas gustong maglaro sa labas kaysa maglaro sa bahay nila o sa sarili niyang unit. Pero minsan nasabi niya boring daw dahil nag iisa siya kaya naman lumalabas siya kasama ang ilang barkada to played computer sa isang internet cafe. At ngayon, may bagong bukas na cafe ay doon na sila namamalagi at regular na costumer na siya doon kaya naman ng nangailangan ng programer ang shop ay ako ang inirekomenda niya dahil marunong ako doon.

"Brent, can you do me a favor again??"sabi ko kay Brent ng tinawagan ko habang nasa daan na ako pauwi.

"Bakit? May nakaaway ka ba?"

"Wala naman, pero diclained na lahat ng credit card ko. Pati sarili kong ipon ay hindi din gumagana." Sagot ko dito.

"Ganun ba. Eh! Ano ang gusto mong gawin ko."

"Pwede mo bang I hack iyon para mailabas ko ang pera ko. Kahit yong sarili ko lang na ipon."

"Pwede naman, sige. Pero bakit ako? Tingin ko naman kaya mo iyon."

"Yeah, pero hindi kasing galing mo. Kaya tulungan mo ako ulit sa bagay na ito."

"Sige, sige. Susubukan ko ang makakaya ko."

"Sige salamat ng marami Brent. Makakabayad din ako sayo ng utang na loob sa hinaharap." Sabi ko na nakapagpatawa dito. Nagpaalam na ako sa dito ng maayos at muli na akong nag fucos sa pagmamaneho para makauwi na ako agad.

"Saan ka galing?" Tanong ni Brix sa akin ng makauwi ako saka niya ako sinalubong at kinuha sa akin ang mga pinamili ko. Ayaw ko man sana iyong ibigay sa kanya ay nakuha na niya iyon. "Pinuntahan kita sa roim niyo kanina para sabay na sana tayong umuwi pero agad ka daw umalis ng matapos ang last subject niyo? Tapos tinanong ko naman si Brent sabi niya magkasama kayo." May galit na sabi niya sa akin. "Saan kayo pumunta?" Dagdag tanong niya?

"May inaasikaso lang kami. Saka, hindi mo na kailangang malaman kung ano man iyon."sagot ko dito na nakapagpakunot ng nuo niya lalo. Hindi din niya kailangang malaman na diclained lahat ng credit card ko dahil mas pinili kong sumama sa kanya kaysa sundin ang utos sa akin ng papa. Hindi ibig sabihin non ay talo na ako ng papa sa ginagawa nito. Alam ko na sa mga oras na ito ay ganun ang gagawin niya dahil malaki ang expectation niya sa akin pero mas pinanaig ko ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sundin ang papa ko kaya ngayon heto ako at kailangan kong kumayod at mag-aral ng sabay.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon