#22: Bryant

11.1K 414 133
                                    

*****

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*****

Mature Content

*****
Strong Parental Guidance

*****

*****

Me: Tapos ka na ba?
Baby Zy: not yet! Our prof. Discussing something. A couple of minute.
Me: waiting 4 u. I❤U
Baby Zy: I❤U 2

Napangiti akong inilapag muli ang phone ko sa maliit na mesa sa tabi ng higaan. Narito ako ngayon sa tree house. Wala na akong klase so here I am again. Relaxing. But not the same like before. Dahil noon wala akong hinihintay, ngayon ay mayroon na. My one and only baby Zy.

Napapasipol pa ako habang nakahiga na nakaunan sa mga kamay ko. Ang sarap pala sa pakiramdam iyong ganito. Na may hinihintay ka at iyon ay ang taong mahal na mahal mo.

Ilan pang mga minuto ang lumipas ng muling nagtext sa akin ang baby Zy ko.

Baby Zy: coming. Still there.
Me: yes, still waiting baby.

Hindi na ito nag reply. Siguro ay palakad na siya ngayon papunta dito. Tumayo ako sa pagkakahiga ko para abangan siya sa labas. Hindi na nawala wala ang ngiti ko habang hinihintay siya. Kaunti na lang at matatanaw na siya ng mga mata ko.

Pero naghintay na ako ng lima, sampo, kensi, at dalawampung minuto ay wala parin siya. Kaya naman ang ngiti sa mga labi ko ay unti unting nawala.

May dinaanan pa ba siya? May nakasalubong ba siyang kaibigan at nakipagkwentuhan pa. Hindi ba niya naisip na hinihintay ko siya?

Sa mga naisip ko ay nabuhay ang inis ko. Pero isang tawag mula kay Brent ang nakasagot ng katanungan ko.

"What?"may inis na tanong ko sa kanya ng masagot ko ang tawag niya. "May kailangan ka?"

"Yeah!"nahimigan ko ang kaseryusuhan sa tinig nito. "Im here at the underground CR ng CE."

"Eh ano naman ang ginagawa mo diyan? May problema ka ba diyan?"muli kong tanong. Hindi ito tatawag sa akin kong wala itong kailangan. O di kaya naman may kinasangkutang gulo. Kung sa labanan ay hindi nito kailangan ng tulong ko. Pero kung linisin na ng gusot saka lang siya tatawag para malinis ang gulong pinasukan nito.

"Oo! I think kilala mo ang lalaking muntik ng magahasa."

"Magahasa. Lalaki.?"hindi ko na naman napigilan ang pangunutan ng nuo dahil sa sinabi nito. May lalaki na bang nagagahasa ngayon. Pero sa sinabi nito. Kilala ko daw. Sino naman kaya iyon.

"Yes, hindi ko naman masasabing gwapo siya. Cute marahil o sasabihin kong maganda..."

Hindi ko na tinapos ang sinabi niya dahil bigla akong kinabahan ng maalala ko si Zyrel. Madadaanan nito ang department ng CE. At ang pagkakatanda ko department iyon ng isa sa mga grupong lumalabag sa batas ng AU. Sina Trivor.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon