#10: Zyrel

11.5K 507 49
                                    

ChenXi Note: ang mga painting sa media ang mga kasali sa paligsahan.

*****

Natigilan ako sa pagpasok sa loob ng classroom namin ng mamataan ko ang lalaking iniiwasan ko. Tatlong araw na nga akong hindi nagtutungo sa lugar na dati kong pinupuntahan dahil alam kong nandoon siya pero heto. Mula ng halikan niya ako sa harapan ng maraming tao ay parang marami ng mga mata na nakasunod lagi sa akin. At iyon ang kinaiinisan ko. Mga mata ng mga mapanuring tao. At hindi ako sanay na ako ang nakikita nila.

Ang pagpipinta ko nga ay halos hindi ako nakikilala dahil hindi din ako nagpapakita kung sasali ako sa mga paligsahan. Pangalan ko lang ang alam nila pero hindi nila alan kong anong hitsura ang itinatago ng pangalan kung iyon.

At ngayon parang biglang nagbago ang lahat dahil sa bwesit na Btyant na ito at kung sino pa ang iniiwasan ko ay siya pa mismo ang gumagawa ng paraan para mag cross ang landas namin. Ginagawa ko na nga ang lahat para umiwas sa kanya pero para na siyang anino ko dahil kung nasaan ako ay nandoon din siya.

Hindi na sana ako tutuloy sa pagpasok ng dumating na ang professor namin kaya naman wala akong nagawa kundi ang tuluyang pumasok sa loob. Hindi ko na sana siya papansinin pero lalo akong nainis dahil nakaupo siya mismo sa may harapan ng lamesa ko at nakaharap siya mismo sa upuan ko.

"What are you doing here?"mahinang tanong ko sa kanya at talagang ipinaramdam ko na galit ako sa kanya.

"Hindi ka na nagagawi sa tagpuan natin. Kaya ikaw na ang pinuntahan ko."sagot niya na sadyang nilakasan pa ang boses para marinig ng ka klase ko na siyang dahilan para mapatingin sila ng tuluyan sa amin.

Alam kong may takot sila ngayon dahil kay Bryant kaya walang nangahas na tumingin sa amin dahil ayaw na masita niya ang mga ito. Pero dahil sa sinabi niya ay nakatawag talaga ng pansin ng iba.

Tagpuan? Putang ina. Sino ang makikipagtagpo sa kanya? Lakas ng tama nito sa utak. Wala na ba siyang magawa sa buhay at narito siya iniistorbo ang pag aaral k. Ang pananahimik ko. Ito ba ang kabayaran ng pagsuntok ko sa kanya ng araw na iyon. O ito ba ang kabayaran dahil nangahas ako na pasukin ang teretoryo niya? Pero kalabisan naman ito. Di sana suntukin na lang niya ako para patas na kami at ng wala na akong utang sa kanya. Hindi iyong ganito na gumagawa siya ng eksena. At parang lovers quarrel lang ang peg namin dahil sa ginagawa niya.

Tangna talaga.

At ang kinaiinisan ko ay hindi man lang siya sinita ng professor namin dahil patay malisya lang ito na para bang wala kami sa klase niya. Takot din ito dito. Bakit? Dahil ayaw siguro pag initan ni Bryant na baka masibak siya sa pagtuturo at mawalan ng trabaho ng wala sa oras.

"Tigilan mo ako Bryant. Hindi ka nakakatawa. Umalis ka na at may klase ako. Hindi mo ba nakikita?"inis na pagtataboy ko sa kanya sa mababang tinig parin pero hindi niya ako pinakinggan at kampante lang na nakaupo na nakaharap sa akin. He lean his chin on his arm while starring at me.

"Di mag aral ka. Narito lang ako. Hindi kita iistorbuhin."sagot niya saka ngumiti pa sa akin.

"At ikaw ba wala kang pasok?"nanggigigil na tanong ko sa kanya.

"Mayroon, pero mamayang tanghali pa. Bakit inaalala mo ba ako? Mmmm! Don't worry baby, hindi ko naman papabayaan ang pag aaral ko kahit nandito ako at gusto kitang makita."

"Shut up! At wag mo akong tawagin baby pwede ba."

"Yes, baby. Iyan ang gusto kong itawag sayo. So just bear it."

Damn him! Sarap batukan. Paano ako makakapag aral ng mabuti kung nasa mismong harapan ko siya at titig na titig sa akin.

Hindi nagtagal ay binalingan nito ang professor namin.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon