#37: Clent

8.6K 343 51
                                    

Warning: HOT SCENE ahead. Read at your own risk!!!

37 Clent





Isang suntok ang pinakawalan ng papa ng umuwi ako sa bahay para sana muli siyang kausapin para sa amin ni Brix kaya naman nawalan ako ng balanse at tumumba sa sahig.

Agad akong dinaluhan ng mama at inalalayang tumayo. Bahagya akong nahilo. Kahit may edad na pala ang papa ay malakas parin pala ito sumuntok. But I don't care, hindi ako magpapatalo sa suntok niya at susuko. Kahit ilang suntok pa iyan ay kaya kong indain hanggang sa matanggap na niya na ang taong mahal ko ay si Brix.

"Kahit na sinong babae ang pakakasalan mo, kahit mahirap pa iyan. Ay tanggap ko. Huwag lang sa Brix na iyan. Sisirain mo ang reputasyon ng pamilya natin dahil sa kabaliwan mo sa pag ibig mo sa lalaking iyon."

"Hindi kabaliwan ang magmahal papa, at proud ako na si Brix ang minahal ko." Sagot ko dito na lalong nakapag pagalit sa kanya. Akmang ihahampas ang hawak na namang baston sa akin ng humarang si mama sa akin.

"Umalis ka diyan, Teressa. Lagi ka na lang nakikialam." Galit na sigaw nito kay mama. Hinawakan ko sa kaliwang braso ang mama kaya napatingin siya sa akin.

Umiling ako. "Allow him, mama. Kung ito lang ang paraan para mailabas niya ang galit sa akin. Kaya kong indain. Hanggang sa matanggap niya ang disesyon ko." Sabi ko dito. Nag aalangan na umiling din ito at hindi umalis sa pagitan namin ng papa.

"Kahit kailan hindi ko matatanggap ang kabaliwan mo. Hindi ako nagpalaki ng anak na maitatapon lang ang buhay sa walang kwentang relasyon niyo ng Brix na iyon. Inuulit ko, Teressa, umalis ka sa harapan ko." Baling nito muli kay mama.

Hindi kumilos ang mama kaya naman hindi na nagdalawang isip si papa na idapo ang hawak na baston kay mama na sa akin dapat itatama.

Pero, bago pa man iyon dumapo sa kanya ay may pumigil na kay papa kaya napatingin kami sa kung sino iyon.

"I don't care kung ikaw pa ang ama ni Clent tito, dahil sa kakitidan ng utak mo nagagawa mong manakit na kahit asawa mo ay handa kang saktan." Seryusong saad niya na ngayon ay galit na iwinaksi ang kamay na hinawakan niya kay papa at lumapit sa amin. "Hindi na sana ako susunod pero ayaw kong umuwi ka na naman na puro pasa." May pag aalalang sabi niya sa akin at pinahiran ang namutok kong pisngi dahil sa pagsuntok ng papa kanina.

"H-hindi ka na sana nakikialam pa." Sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin bagkus muling hinarap si papa na halata na ang mas umalpas na galit dahil sa pangingialam niya.

"Makikialam ako this time dahil taong mahal ko na ang paulit ulit niyong sinasaktan." Seryuso at walang pag aalinlangan na sabi niya kay papa. Kahit hindi naman dapat at wala sa tamang panahon ay napangiti ako dahil sa tapang niyang harapin ang papa.

Kaya ko naman sanang lusutan ang pagpapasakit sa akin ng papa, kaya ko itong labanan pero naiisip ko na ama ko parin siya at mas magandang daanin sa magandang usapan. Pero dahil sa katigasan ng paninindigan nito ay hindi niya parin matanggap na umiibig ako sa isang lalaki. Kay Brix.

"Alam niyo, ayaw kong bastusin kayo sa pakikipag usap ko ngayon. Masasabi kong wala akong karapatan na humarap sa inyo, pero hindi na lang ako basta mananahimik dahil sumosubra na kayo." May galit sa bawat kataga, pero mahinahon niyang ibinibigkas ang mga iyon. "I love Clent, I love what he is? Lalaki kami pareho, pero mahal namin ang isa't isa."

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon