#29: Brix

9.9K 414 60
                                    

"Magturo ka lang prof. Huwag mo akong pansinin." Iyon ang sinabi ko ng humila ako ng isang bakanteng upuan at inilapit iyon kay Clent na ngayon ay matalim na naman na nakatingin sa akin.

"Ano na namang ginagawa mo dito. Pangalawang beses mo na akong iniistorbo. Saka wala ka bang klase at nandito ka sa klase ko?" Naiinis na paninita niya sa akin sa mahinang boses pero may katigasang tuno.

"Ikaw ang klase ko ngayon kaya huwag mo akong itutulak palayo. Saka hindi ako babagsak kahit hindi ako makapasok. Dahil kaya kong humabol sa grades ko." Sagot ko dito at kampanting ipinatong ang kamay ko sa desk niya at itinuon ko ang paningin ko sa harapan kung saan nakatunganga na naman ang isa nilang profesor. "Kaya honey, fucos at your study dahil graduating ka na. Don't mind me here. Dito lang ako sa tabi mo." Nakangiti pa akong muli siyang sinulyapan.

Gusto man siguro niya akong batukan dahil nakita ko kung paano magkimpian ang ngipin niya sa tinitimping inis sa akin. But he looks really really cute that make me want to pinch his check and give him a kiss on his lips pero nagpigil ako. Baka kasi mapalayas ko na naman ng wala sa oras ang profesor at mga kaklase niya para lang masolo siya.

Miss ko pa naman siya kaya huwag lang siyang magkakamaling magpa cute sa akin dahil hindi ko talaga pipigilan ang sarili ko na angkinin siya ora mismo.

"Ipagpatuloy mo na ang pagtuturo prof."baling ko sa profesor nila ng hindi na yata alam kong saan ulit magsisimula at nakalimutan na kung saan ito tumigil sa mga itinuturo nito.

Kahit naiilang siguro ang profesor sa pagtuturo ay muli itong nagsalita sa harapan. At halata na i iiwasan ng mapatingin sa gawi namin ni Clent. Napansin ko man na nailing na din siya at nagpatuloy sa pag ti-take note na naputol dahil sa pagsulpot ko.

Pinagmasdan ko siya habang seryuso ng nakikinig sa profesor nila. Isinandal ko pa ang kamay ko sa baba ko. At patuloy lang ako sa pagmamasid sa kanya.

Binibilang ang bawat paghinga niya, ang bawat pagkurap ng mata niya at ang bawat pagkakataon na pagkibot at babasain ng dila ang labi niya na siyang dahilan para mapalunok ako. Ano kaya kong ako mismo ang magbasa ng labi niya gamit ang dila ko.

Haha! Bakit nga ba hindi! Pero saka na. Hahayaan ko muna siyang mag aral. Sapat na sa akin ang pagmasdan muna siya. Pero kusang kumilos ang isang kamay ko na kunin ang extra ballpen na nasa ibabaw ng desk niya at ginamit iyon para iipit ang ilang hibla na may kahabaan na niyang buhok sa tainga niya.

"Your hair blocking my sight honey. Lets go to salon later and cut your hair." Sabi ko sa kanya.

Matalim na tumingin siya sa akin pero hindi nagsalita bago muling itinuon ang pansin sa harapan.

Nagpatuloy ako sa pagmamasid sa kanya at hindi ko na siya inistorbo hanggang sa matapos ang klase niya.

"Lets go." Aya ko at kinuha ko sa kanya ang bag niya ng maisilid na niya lahat ng gamit niya doon at ako na mismo ang nagbuhat non. Nakipag agawan pa siya sa akin at ayaw iyong ibigay pero hindi ko na iyon ibinigay dahil naisabit ko na iyon sa akin.

"Mag punta muna tayo sa salon para mapagupitan ang buhok mo, bago tayo kumain ng early dinner. Tapos umuwi tayo sa bahay niyo para kunin ang ibang gamit mo doon at doon ka na ulit sa bahay ko tumira." Mahabang lintaya ko sa kanya na nakapagpatigil at nakapagpatitig na naman sa kanya sa akin. "Don't stare at me honey, narinig mo naman ng malinaw ang sinabi ko diba. And I don't accept no for an answer."

"Hindi ikaw ang mag didikta sa mga gusto kong gawin para sa sarili ko Brix. Kaya tigilan mo ako." Sagot niya sa akin saka niya sinabayan ng talikod para lumabas na ng classroom nila. Mabilis naman na humabol ako sa kanya at umagapay sa kanya sa paglalakad.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon