#33: Zyrel

8.3K 357 43
                                    

"Kumusta na ang kamay mo?" Tanong sa akin ni Dante ng pumasok na ako kinaumagahan ng makauwi kami kahapon ni Bryant. Pero ayaw na niya akong pauwiin sa bahay dahil sa bahay na lang daw niya ako tumira. Kinausap na din niya kahapon sina mama na sa kanya na ako titira ng ipunta namin ang binili niyang pasalubong sa mga ito. Ayaw man sana ng mama pero napilit ito ni Bryant hanggang sa pumayag na nga ito.

"Okay na ako Dante. Pero payo sa akin ng doctor na hindi ko na muna pupwersahin kahit magaling na." Sagot ko bago ako tuluyang pumasok sa classroom namin at umupo na sa sarili kong desk.

"Mabuti naman kung ganun. Pero ano ba talaga ang nangyari? Dami kasi katanungan ng iba kung saan mo nakuha ang pagkabali ng kamay mo. Akala nga namin tuluyan ng hindi ka makakaguhit." Sabi pa nito at umupo na sa kabilang panig sa kanan ko.

"Medyo may pagkaklamsi kasi ako ng araw na iyon. Nadulas ako kaya hayon. Sa pagkakabagsak ko sa semento ang kamay ko ang napuruhan dahil naitungkod ko." Pagsisinungaling ko. Wala kasing nakakaalam ng nangyari ngbaraw na iyon maliban sa akin at kina Bryant. At hindi na iyon naikalat pa.

"Ganun ba. Naku mag ingat ka kasi. Napapansin ko sayo ganun ka nga minsan. Lagi kang nagmamadali. At sa pagmamadali mong iyan, madidisgrasya ko." Paniwalang paniwala naman ito sa sinabi ko. Mabuti na rin iyon. Dahil hindi naman kailangang malaman pa ang totoong dahilan. "Pero kumusta kayo ni Bryant. Balita ko, pinupormahan ka niya. O kayo na ba?" Tanong pa nito sa akin. Tsesmoso din ang isang ito. "Pero astig huh! Akalain mo, walang mag iisip na magkakagustonsi Bryant sayo. Sa tikas niyang iyon. Maraming babae ang maiinggit kung sakali."

"Naku, kung ganun magtatago na ako. Baka mamaya ipa haunting pa ako ng mga nagkakagusto sa kanya." Pagbibiro ko.

"Nah! Walang magkakamaling gawin iyon sayo. Dahil mismong si Bryant ang makakaharap nila kapag nangyari iyon." Napatitig ako dito. Sinabi niya pa. Naku kung alam lang niya ang nanguari sa mga taong gumawa sa akin ng masama baka magimbal ito. Kaya hindi na pwedeng kumalat iyon. Saka kung sakali man na may bumara sa akin patungkol kay Bryant ay iiwas na laang ako para walang gulo. Walang gulo mas mainam. Pero kapag sinagad naman ang pasensya ko kung sakali, ahh! Lintik lang ang walang ganti. Mabait ako sa mabait, pero kapag kinanti nila ang kabaitan ko doon na kami magkakaalaman kahit wala man ang tulong ni Bryant.

"Haha! Sana nga." Nasabi ko na lang hanggang sa tuluyan ng dumatung ang guro at naging abala ang utak ko sa pag aaral.

"Ahhhhh! My Gosh."

"OMG!"

"Ang gwapo."

Narinig naming sigaw at kinikilig na gaya naming estuyante ng matapos ang klase namin ng araw na iyon.

Kaya naman kahit ako na ay napatayo na sa lamesa ko ng matapos ko ng iligpit ang mga gamit ko.

Pero... nakita ko si Bryant na may hawak na isang pumpong ng pulang rosas na ngayon ay nakatingin na sa akin pagbungad ko pa lang sa pintuan palabas. Nagsilihisan naman ang mga kaklase ko at bigyan ng daan at space sa pagitan namin. May kasama itong parang banda dahil may mga hawak na micropono at gitara. Hanggang sa nagsimula nga tumugtog ang mga ito at ibinigay kay Bryant ang Mic. Habang hawak ng isa niyang kamay ang bulaklak.

"Hindi kagandahan ang boses ko pero makakantahan parin kita at mahaharana." Panimula nito. "Para sayo ito baby Zy."

Sa Isang Sulyap Mo.

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo

Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko (ang puso ko)

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon