#21: Brix

9.9K 393 64
                                    

"Brix." Sigaw sa pangalan ko at dahil sa kabiglaan ay muntik pa akong natumba kong hindi ko nabalanse ng maayos ang katawan ko ng saluhin ko ito ng takbuhin niya ako para yakapin. Hindi pa man ako nakakabawi ay hinalikan na niya ako sa labi.

"H-hey! Wait."pigil ko dito saka iniwas ang mukha ko dito ng pupugin niya pa ako ng halik sa mukha. Napansin ko din sa gilid ng mata ko na hindi na naging maganda ang tingin ni Clent sa akin dahil dito.

"I miss you darli'n."sabi pa nito at muling dinampian ako ng halik sa labi bago kumalas ng yakap sa akin o mas tamang sabihin ko na pagkakakarga sa akin dahil nakaangat na sa lupa ang mga mata nito na lumambitin sa leeg ko.

"Dumating ka na pala."si Clent kaya napatingin ito sa kanya.

"Oh! Your here brother. Hindi kita napansin. Namiss ko kasi si Brix eh."sabay pulupot ng mga kamay sa braso ko.

"Kaylan pa?"

"Kanina lang bro. And I go straight here para siya ang una kong makita."at humilig pa ito sa balikat ko.

"Umayos ka nga Sofia. Ibahin mo ang America dito sa pilipinas. Kadalaga mong tao para kang sawa na makapulupot kay Brix."ramdam ko ang pinipigil na inis nito sa kapatid. Well, hindi naman niya magagawang saktan ito gaya ng ginagawa niya sa tuwing may magtanggakang lumapit sa akin.

And Yes, Sofia is Clent younger sister. And Sofia use to be my fiance since I turned eighteen dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang namin. Pero dahil sa bata ito sa akin ng apat na taon ay wala pa talagang usapan sa amin ng maayos. At ngayon 20 na ako. Ay dalawang taon pa ang hinihintay ng mga magulang namin para tuluyang maging legal na masasabing fiance ko na nga siya. At muntik ko na ngang nakalimutan iyon dahil kay Clent. Kung hindi pa siya nagpakita ay malamang wala na iyon sa isip ko hanggang ngayon.

"Kuya naman eh. Namiss ko lang naman si Brix. Saka fiance ko siya remember."sagot naman nito sa kanya.

"Your not Sofia. Dahil wala ka pang 18. Saka pwede ba. Alisin mo ang kamay mo sa kanya. Ako ang naaalidbadbaran sayo. Ang init init na nga."suway pa niya sa kapatid pero alam ko naman na iba ang ibig niyang ipahiwatig doon.

Hindi man niya magawang saktan ang kapatid niya gaya ngayon ay alam kong nagpipigil siya na huwag nga niyang dantayan ng mabibigat niyang kamay ito.

"Hmmp! Bakit ka ba nagrereklamo kuya. Hindi naman nagrereklamo si Brix ah. Diba?"sabay baling sa akin. Napatango na lang ako bilang sagot dito dahilan para mas tumalim ang tingin niya sa akin pero tinapunan ko din siya ng masamang tingin.

Mas mabuti ngang dumating na si Sofia dahil matatapos na din ang pagsama sama ko sa kanya. At alam kong wala siyang magagwa ngayon dahil sa oras na masaktan niya ang kapatid ay siguradong siya naman ngayon ang ipapatapos sa malayong lugar ng mga magulang niya.

"Sabi nina papa at mama dito na ako mamamalagi. And dito na din ako mag aaral sa AU." Masayang pagbabalita nito at nakatingin sa akin. "Para naman mas makakasama kita."

"Ganun ba. Di mabuti kung ganun." tanging sagot ko na lang sa kanya. Iniwasan ko na rin ang tumingin kay Clent na ngayon ay alam kong nanggagalaiti na ito sa galit.

"I need to go."mga salitang binitawan nito kaya naman napatingin na ako sa kanya. Hindi oa man kami nakakasagot ni Sofia ay tumalikod na ito at iniwan nga kami.

"Anyari doon?"tanong pa nito saka tumingin sa akin. "Never mind na nga lang. Lagi naman ganyan si kuya."

"Yeah!"

"Come on, lets go lunch together first tapos samahan mo ako sa unit na titirhan ko. Pero alam mo. Gusto ko sana sa malapit sa unit mo pero ayaw ni daddy. Nakakainis siya."

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon