#12: Zyrel

10.8K 468 86
                                    

Uwian na naman.

Minadali ko ang pagsasaayos ng gamit ko sa bag ko. Dahil dadaanan ko pa ang pina frame kong gawa ko. Dalawang araw na lang. Kailangan kong maipasa iyon bukas para mai display na siya sa art gallery ng eskwelahan.

Pero napatalon ako bahagya ng biglang may yumakap sa likuran ko at mahigpit na ipinulupot ang mga braso nito sa baywang ko habang idinantay ang baba sa balikat ko. At ang mga gamit ko ay nabitawan ko at nagkalat na ang mga iyon sa sahig.

"What the hell are you doing?"galit na kumakalas ako sa pagkakayakap niya sa akin pero sadyang mahigpit ang pagkakapulupot ng braso niya sa baywang ko. Kaya naman ang ulo na lang niya ang itinutulak kong palayo.

"Miss me?"tanong niya. Saka ako dinampian ng halik sa pisngi.

Tangna! Sino ang makakamiss sa kanya? Pilit na nga akong umiiwas sa kanya pero parang kabuti na lang ito kung makasulpot kung saan man ako naroon.

At saka, wala ba siyang klase sa mga nagdaang araw at nasa paligid ko lang siya? Huh! Ewan ko sa taong ito. Bakit ko ba kailangang sagutin ang mismong tanong ko kung alam naman na kahit hindi siya umattend ng klase ay hindi siya sisitahin ng mga guro.

"Tigilan mo ako Bryant. Bitawan mo ako."gigil na sita ko at pilit na kumakawala sa kanya.

"Ako kasi namiss kita."sabi niya at hindi pinansin ang pagwawala ko para lang makawala sa kanya. At ibinaon pa talaga ang ilong sa balikat. "Mmmm! Ang bango mo? Anong gakit mong pabango baby?"tanong pa niya.

"Ano ba?" Muli kong singhal sa kanya na hindi ko na pinansin ang tanong niya at talaga naman malakas na pinapalo ko ang braso niya na nasa baywang ko.

"Aray! Ang sakit naman ng paraan ng pagkamiss mo sa akin. Ikaw kasi. Iniiwasan mo ako. Hindi ka parin nagagawi sa tagpuan natin. Aba, araw araw kaya akong naghihintay doon." Pag rereklamo niya pero halata naman na nakangiti siya habang sinasabi iyon kahit hindi ko makita ng lubusan ang mukha niya.

Nagandahan nga ako sa ginawa niya sa malaking puno na silungan ko kapag nagpupunta ako doon. Kahit nga alam kong hindi pa siya nakakaalis ng araw na iyon ay talaga namang hindi ko napigilan ang hindi iyon akyatin at tignan ang loob ng maliit na bahay na iyon. At ang ganda. Nakaka relax sa mata. Pero hindi na ako nagawi doon kahit gusto ko ulit iyon tignan dahil alam kong nandoon si Bryant na iniiwasan ko.

Hindi ko na lang ipinahalata sa kanya na gusto ko din talaga ang ginawa niya. Kung pwede nga lang sana ay doon na ako mamalagi.

"Bakit naman ako pupunta doon."sagot ko sa kanya. "At wala tayong tagpuan. Saka pwede ba. Bitawan mo ako kung ayaw kung ipalo ang canvas ko sa ulo mo." banta ko sa kanya.

"Aray talaga. Ang lupit mo."sabi pa niya at saka ako binitawan. At humarap sa akin. "Hindi pa man dumadapo ang ipapalo mo sa akin. Nasasaktan na ako. Pero ang puso ko ang mas nasasaktan sa pang babaliwala mo."sagot niya sabay sapo sa tapat ng puso niya at bahagya pa siyang yumuko.

Sarap talaga paluin ang isang ito.

Isang Bryant Salvador, ang galing umakting ang bweset.

"Ano bang ginawa kong mali. Tatlong araw pa lang tayo magkasintahan pero sinasaktan mo na ako agad. Pwede bang lambingin mo muna ako. Bago mo ako awayin."nakalabing sabi niya saka pinapungay pa ang mga mata.

Naiiling na tinalikuran ko siya saka ko muling pinagtuunan ng pansin ang nagkalat na gamit ko sa sahig. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko na lang siya papansinin.

"Naman eh! Kahit kiss lang sa pisngi Baby." saka niya inupuan mismo ang mga pinupulot ko sabay turo ng pisngi nito. "Come on baby. Mhuaw mhuaw."sabay nguso pa sa akin.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon