#38: Bryant

8.1K 303 34
                                    

38_Bryant





"Tama na mama. Nakikiusap ako." Iyon ang pang sampong pakiusap ko kay mama matapos ang nangyari sa maliit na grocery store nina Zyrel at heto ako at kinukumbinsi ang mama na sana itigil na niya ang pangingialam sa amin. Na nasundan pa ng pagpapasakit ng mga kapatid niya dahil sa kagagawan nito. Kaya naman nagtalaga ako ng magbabantay sa mga ito at sa bahay na din nila.

Nakausap ko na din sila ng masinsinan at nasabi na si mama ang nasa likod ng lahat ng pangyayari. At humingi na ako ng tawad sa kanila.

Alam ko naman na hindi kapakapatawad ang pinaggagawa ng mama pero nangako naman ako na gagawan ko iyon ng paraan at hindi na muling mauulit ang mga iyon.

Sa una talagang nagalit ang mama niya sa akin at talagang sinabi pa na hiwalayan ko na lang siya pero hindi ako pumayag dahil hindi ko kayang mawala siya sa akin.

Ayaw kong mamili sa dalawang panig dahil mas pipiliin ko si Zyrel kaysa sa pagsunod sa gusto ni mama pero ginagawan ko parin ng paraan ang pag kumbinsi dito. Hindi ko naman kayang magalit ito sa akin dahil siya parin ang nagsilang sa akin.

"Hindi ko matatanggap Bryant. Hindi ako makakapayad na itapon mo lang ang buhay mo sa walang kwentang lalaki na iyan."

"Mama, please. Ayaw kong magalit ka sa akin. Nakikiusap ako sayo. Tigilan mo na ang pagpapahirap sa pamilya ng taong mahal ko. Ginagawa ko ito dahil ayaw ko kayong masaktan, ayaw kong pumili sa inyo gaya ng gusto mo dahil alam mo kung sino ang pipiliin ko mama. Kaya please, just let us live freely."

"Nonsense, hinding hindi ko matatanggap Bryant. Dahil kung siya ang pipiliin mo, ipaparanas ko sa buong pamilya niya ang hirap hanggang sa siya na ang kusang lumayo sayo." Banta pa nito sa akin.

"Kung iyan ang makakapagpasaya sa inyo mama. Nandito ako at paulit ulit na nakikiusap sa inyo. Pero pinipilit niyo akong labanan kayo."

"Tandaan mo ito Bryant. Hindi kita pinalaki para lang itapon mo ang buhay mo sa lalaking iyon. Kaya hinding hindi ko kailanman ibibigay ang basbas ko kalukuhan mong iyan. Hindi ka magiging masaya sa piling niya at sisiguraduhin kong siya ang mang iiwan sayo kung hindi mo siya kayang iwan." Galit na saad nito bago ako tinalikuran. Walang lingong likod na umakyat ng pangalawang palapag at padabog na isinara ang pintuan ng silid nila ng papa.

Doon naman pumasok si papa na kauuwi lang galing sa kompanya nito.

"Nag away na naman ba ako ng mama mo?" Tanong pa nito at tinapik ako sa balikat ng makalapit sa akin.

"Ginawa ko na ang lahat papa, nakiusap na ako sa kanya. Pero matigas parin ang paninindigan ng mama. Hindi ko na alam kung paano ko siya kukumbinsihin."

"Mahabang pang unawa na lang hijo, pasasaan ba't magbabago din ang isip ng iyong mama. Ang kailangan mo na lang gawin ay ang protektahan anh taong malalapit sa kasintahan mo. At ang mama mo, tutulungan na lang kitang kumbinsihin siya."

"Ano pa nga ba ang magagawa kung hindi lang ang bagay na iyon. Pasasalamat na lang ang masasabi ko sa inyo ngayon."

"Itinurin na kitang tunay na anak hijo, kaya kung ano man ang hindi niya pagkakaunawaan ng mama mo ay damay na din ako doon."

Napabuntong hininga na lang ako dahil doon. Mabuti na lang at hindi tutol si papa sa akin. Kaya kahit papaano ay naging panatag kaunti ang pag iisip ko at may makakatulong sa panunuyo ko kay mama para sa aming dalawa ni Zyrel.

"Sige papa, mauuna na muna ako. Maraming salamat ulit."

"Saan ka ba tumutuloy sa lagay na iyan?"

"Sa bahay po nina Zyrel papa dahil gusto ko din silang bantayan kahit na may mga tao na akong itinalaga doon. Mas panatag ang loob ko na nasa paligid lang ako para sa kanila."

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon